Dr. Farrah Agustin-Bunch, naglabas ng video na ebidensiya umano na nagsisinungaling si Doc Adam
- Matapos mag-viral ng video ni Doc Adam Smith tungkol sa natanggap na notice of cease and desist order, muling bumwelta si Doc Farrah Agustin-Bunch
- Isang video ang ipinakita niya bilang ebidensiya umanong hindi totoo ang sinabi ni Doc Adam sa kanyang video
- Kabilang sa kanyang pinasinungalingan ay ang pagdemanda umano kay Doc Adam
- Inilahad din ng sikat na doktor na hindi rin umano totoo na tinutukan siya ng camera sa kanyang mukha
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Bumwelta si Dr. Farrah Agustin-Bunch matapos umani ng samu't-saring reaksiyon ang video na ginawa ni Doc Adam Smith na kung saan ibinahagi niya ang kanyang saloobin hinggil sa natanggap na notice of cease and desist order mula sa kampo nina Dr. Farrah.
Isang video ang ibinahagi sa Facebook Page na Dr. Farrah’s Natural Remedies and Answers. Makikita sa ibinahaging video ang tagpo kung saan pababa ng sasakyan si Doc Adam at iniabot sa kanya ang dokumento.
Itinanggi ni Doc Farrah na idinemanda niya si Doc Adam kagaya na lamang sa lumalabas na mga social media posts. Hindi rin umano totoo na lawyer ang nagserve sa kanya ng nasabing cease and desist order.
He said he was served by a Lawyer. NOT TRUE. He said they stuck a camera in his face. NOT TRUE. The recording of process serving in Australia is SOP (Standard Operating Procedure) and this one was quick, respectable and very discreet.
Itinanggi din niya na sa harap ng kanyang pasyente ibinigay ang dokumento. Itinanggi niya rin ang tungkol $100K na umano'y hinihingi nila.
He said it was done in front of patients. NOT TRUE. He said he was sued. NOT TRUE. He said we’re demanding $100k US Dollars. NOT TRUE. A team of Australian lawyers analyzed his conduct and what actually happened is that he was served a Cease and Desist order for publicizing a false narrative full of highly misleading, inaccurate and defamatory misinformation in his first video about Dr. Farrah. Its called a Concerns Notice in Australia and it gives the party who committed the illegal acts 28 days to rectify what they have done wrong.
Wala umano silang ipinahiya at hindi nila isinapubliko ang tungkol sa reklamo nila laban kay Doc Adam.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Paglilinaw naman ni Atty. Libayan ng BATASnatin.com, hindi umano sinabi ni Doc Adam na kinasuhan niya. Bilang patunay umano nito, sa huling bahagi ng video ni Doc. Adam ay naghamon pa itong kasuhan siya.
Panoorin ang ilang puntong nilinaw ni Atty. Libayan sa video na ito:
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Doctor Adam Smith o mas kilala sa YouTube bilang si Doc Adam ay isang doktor sa Australia. Gumagawa siya ng mga videos upang maitama ang mga maling impormasyon sa internet na maaring maging mapanganib sa kalusugan ng tao.
Matatandaang pinaliwanag ni Doc. Adam ang posibleng dahilan ng biglaang pagpanaw ng YouTuber na si Lloyd Cadena kamakailan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh