Doc Adam Smith, umalma sa reklamo ni Dr. Farrah Agustin-Bunch sa kanya

Doc Adam Smith, umalma sa reklamo ni Dr. Farrah Agustin-Bunch sa kanya

- Ibinunyag ni Doc Adam Smith na nakatanggap siya ng ilang dokumento mula sa isang abogado

- Aniya, idedemanda raw siya ni Dr. Farrah Agustin-Bunch at humihingi umano ito ng mahigit 100,000 USD para sa damages

- Matatandaang gumawa ng isang video si Doc Adam sa kanyang YouTube channel tungkol sa mga payong ibinigay ni Dr. Farrah

- Paglilinaw ni Dr. Adam, gumagawa siya ng video upang maitama ang mga maling medical information na maaring makapahamak sa publiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Dr. Adam Smith ang tungkol sa pagkatanggap niya ng notice of cease and desist order mula sa kampo ni Dr. Farrah Agustin-Bunch.

Ito ay kaugnay sa mga naging pahayg ni Doc Adam hinggil sa ilang mga naging payo ni Dr. Farrah sa ilang mga nagtatanong tungkol sa lunas ng ilang karamdaman.

Read also

Andi Eigenmann, inulan ng suporta kasunod ng mga isyung pinupukol sa kanya

Dagdag pa ni Doc Adam, humihingi ng mahigit 100,000 USD ang kampo ni Dr. Farrah para sa damages.

Nagbanta din umano ang mga ito na i-report siya sa Australian Medical Board para matanggalan siya ng lisensya at hindi makapagtrabaho bilang doktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang CEO ng Gluta Lipo na si Leo Ortiz ay ginawan din ng video ni Doc Adam upang ibahagi ang kanyang kaalaman base sa kanyang natutunan bilang isang doktor.

Hinamon niya ang kampo nila Dr. Farrah na patunayan na mali ang kanyang sinabing mga medical advice.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Gerald Anderson sa co-star na si Gigi De Lana: "Ako ang coach mo"

Matatandaang ni-raid ng otoridad ang Dr. Farrah Agustin-Bunch Natural Medical Center sa Victoria, Tarlac at pinasara botika nito dahil sa pagbebenta ng mga food supplement na walang authorization galing sa FDA.

Doc Adam Smith, umalma sa reklamo ni Dr. Farrah Agustin-Bunch sa kanya
Jane Tyska/Digital First Media/East Bay Times via Getty Images
Source: Getty Images

Si Doctor Adam Smith o mas kilala sa YouTube bilang si Doc Adam ay isang doktor sa Australia. Gumagawa siya ng mga videos upang maitama ang mga maling impormasyon sa internet na maaring maging mapanganib sa kalusugan ng tao.

Matatandaang pinaliwanag ni Doc. Adam ang posibleng dahilan ng biglaang pagpanaw ng YouTuber na si Lloyd Cadena noong September , 2020.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate