Andi Eigenmann, inulan ng suporta kasunod ng mga isyung pinupukol sa kanya

Andi Eigenmann, inulan ng suporta kasunod ng mga isyung pinupukol sa kanya

- Sa kabila ng mga isyu kasunod ng kontrobersiyal na pahayag ni Albie Casiño, wala pang inilalabas na pahayag si Andi Eigenmann kaugnay dito

- Sa kanyang social media account, deadma lamang ito at pinakita niya ang kanilang Halloween celebration

- Sa kabila ng mga sinasabi ng mga tagahanga at tagasuporta ni Albie, nanatiling tikom ang bibig ni Andi kaugnay sa isyu

- Matatandaang naging magkarelasyon ang dalawa noon at dumaan sa matinding kontrobersiya nang mabuntis si Andi

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Base sa kanyang mga social media posts, walang bahid ng pagpapaapekto sa mga isyu si Andi Eigenmann. Kasunod kasi ng paglabas ng saloobin ni Albie Casiño, may mga netizens na nagsasabing kailangang mag public apology sina Andi at ang pamilya niya.

Andi Eigenmann, deadma sa mga isyu kasunod ng pahayag ni Albie Casiño
Andi Eigenmann (@andieigengirl)
Source: Instagram

Gayunpaman, marami sa kanyang mga fans ang nagpahayag ng kanilang suporta sa aktres sa kabila ng mga lumabas na kwento kaugnay sa nakaraan nila ni Albie.

Read also

Xian Lim, binuking na madalas daw magsabi ng I love you si Kim Chiu

Sa kanyang pinakabagong YouTube video, bumaha ang mensahe ng pagsuporta sa kanya:

Dearest Andi, Kahit halungkatin pa nila ang Nagawa mo sa Past, nkakaProud ung positive changes mo sa buhay ngaun kaya focus ka sa ngaun.. be happy with the life u are living right now.. Nkaka inspired ka.. God bless you and your family

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Very inspiring ang mga vlogs nyo.. I dont get to watch a vlog very often before kasi di rin ako mahilig magload coz for me its a waste of money.. Not until mapanood ko ang isa sa mga vlogs nyo,Di na ako tumigil and i make it sure to watch pg may bagong vlog kayong lumalabas .. Nkakawala ng stress, and made me inspire a lot of things to do for my family.. Kahit na 6 na anak ko, marami pa din akong natutunan dito.. And thank you for sharing this vlogs to inspire many people.. Keep vlogging, God bless your family!

Read also

Aljur abrenica, ibinahaging tuloy ang pag-uusap nila ni Kylie Padilla

Sa katunayan ay isang vlog pa ang binahagi ni Andi kahit mainit na pinag-uusapan sa kasalukuyan ang isyu nila ni Albie.

Si Andi Eigenmann ay isang aktres, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Kamakailan, naging usap-usapan din ang ibinahagi ni Philmar Alipayo sa social media nang mapag-tripan niyang asarin si Andi.

Nag-viral din ang update na ibinahagi nina Philmar at Andi tungkol sa pinapatayo nilang bahay sa Siargao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel