Gerald Anderson sa co-star na si Gigi De Lana: "Ako ang coach mo"

Gerald Anderson sa co-star na si Gigi De Lana: "Ako ang coach mo"

- Nagsimula na ang taping ng seryeng "Hello, Heart" nina Gerald Anderson at Gigi De Lana

- Ito ang unang acting stint ni Gigi kung saan siya ang isa sa mga lead actors

- Aminado ang bagong aktres na na-starstruck sa kanyang kaparehang si Gerald

- Ngunit ayon naman kay Gerald, todo ang pag-alalay niya sa co-star at siya raw ang magiging coach nito lalo na at baguhan ang aktres sa puspusang pagti-taping

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumusta sina Gigi De Lana at co-star nitong si Gerald Anderson na unang magkakasama sa seryeng "Hello, Heart."

Nalaman ng KAMI na kabado umano si Gigi sa kanyang unang acting stint kung saan siya ay isa na ngayon sa mga lead stars.

Gerald Anderson sa co-star na si Gigi De Lana: "Ako ang coach mo"
Gerald Anderson at a co-star na si Gigi De Lana (Photo: Star Creatives Television)
Source: Facebook

Sa ulat ng ABS-CBN, aminado si Gigi na na-starstruck kay Gerald Anderson na nakasama na niya sa ilang araw nilang taping.

Read also

Kris Aquino at Mel Sarmiento, nagbigay ng nakakakilig na mensahe sa isa't-isa

Dahil dito, kinabahan si Gigi na halos hindi makapaniwalang makakapareha ang kilalang aktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kinabahan ako. Pa'no kaya to? Seryoso kaya ito? Pero pinakita ko pa rin yung totoong ako. Yung tawa ko pinakita ko na, yung kakulitan ko pinakita ko na."

At dahil sa inilabas na Gigi ang totoong siya kay Gerald, na-eenjoy naman umano ng kanyang leading man ang pagiging makwento ng aktres.

Payo naman ni Gerald kay Gigi, importante umano ang stamina sa kanilang taping. Tatlong araw pa raw silang magti-taping at pagkatapos ng pahinga, mayroon pa muling apat na araw na shoot ulit.

"So, stamina physically and emotionally. Ako ang coach mo,"ani Gerald.

"Naiintindihan ko naman siya. Kasi 'yong momentum talagang 'pag relax ka na. Sa iba 'yung workout parang trabaho rin 'yon e. Pero sa awa ng Diyos, para sakin lifestyle. But it's hard. Sana makapag-inspire pa ko ng ibang tao mag-workout," dagdag pa ng aktor.

Read also

Isko Moreno sa pagbanggit niya umano ng 'Yellowtards': "I don't regret anything"

Samantala, inaasahan naman ni Gigi na marami siyang matutunan sa kanyang bagong career ngayon.

Narito ang kabuuan ng kanilang panayam na ibinahagi ng Star Creatives Television:

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters before the wedding.'

Buhat nang mag-pandemya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Gumawa ng ingay kamakailan si Gigi nang mag-viral ang ginawa sa kanya ng kanyang mga kabanda nang kantahin niya ang "Bakit nga ba mahal kita" ni Roselle Nava.

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel