Kris Aquino at Mel Sarmiento, nagbigay ng nakakakilig na mensahe sa isa't-isa

Kris Aquino at Mel Sarmiento, nagbigay ng nakakakilig na mensahe sa isa't-isa

- Aminado si Kris Aquino na patuloy pa rin sila na nag-a-adjust ng kanyang fiancé na si dating DILG secretary Mel Senen Sarmiento

- Gayunpaman, na-realize niya umano na ang tanga niya kung pakakawalan niya pa si Mel

- Para naman sa dating DILG secretary, aniya ay aalagaan niya si Kris at makakasama siya nito sa buong buhay nila

- Pinasalamatan naman siya ni Kris sa sinabi niyang ito at marami ang kinilig sa pagtawag ni Kris sa kanya ng "babe"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa huling bahagi ng video na ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account, sinubukan nila ni dating DILG secretary Mel Senen Sarmiento na ibahagi ang kanilang kwento ng pag-iibigan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga katanungan mula kay Bimby.

Kris Aquino at Mel sarmiento, nagbigay ng nakakakilig na mensahe sa isa't-isa
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Hiningian sila ni Bimby ng kani-kanilang mensahe para sa isa't-isa. Para sa dating DILG secretary, aniya ay aalagaan niya si Kris at makakasama siya nito sa buong buhay nila. Ginawaran ng halik ni Mel si Kris matapos siya nitong pasalamatan.

Read also

Gerald Anderson sa co-star na si Gigi De Lana: "Ako ang coach mo"

Ani Kris, madali para sa kanya ang paglabas ng kanyang saloobin at diretsahan nitong sinabi na mahal niya si Mel at ang tanga niya umano kung pakakawalan niya pa ito.

"For whatever is left of my life, you have me," ani Kris.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senator Ninoy Aquino.

Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Read also

Kris Aquino, binuking kay Bimby ang "da moves" ni Mel Senen Sarmiento

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailanlang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento.

PAALALA: Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging tandaan at isa-isip ang paalalang "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel