Gigi De Lana, ikinuwento ang pinagdadaanan ng ina: "Siya na lang 'yung meron ako ngayon"

Gigi De Lana, ikinuwento ang pinagdadaanan ng ina: "Siya na lang 'yung meron ako ngayon"

- Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naikwento ni Gigi De Lana ang kalagayan ngayon ng kanyang ina

- Binisita mismo ni Karen ang tirahan nina Gigi na naging tahanan na rin ng kanyang mga kabanda

- Doon naikwento niyang may stage 2 bréast cancer pala ang kanyang pinakamamahal na ina

- Bagaman at marami umano silang hindi napapagkasunduan, aminado si Gigi na labis ang kanyang takot at pangamba sa kalagayan ng kanyang mama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang tinaguriang 'The Cover Queen' na si Gigi De Lana ang nakapanayam ni Karen Davila sa Episode 22 ng kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na pinuntahan ni Karen ang mismong bahay ni Gigi na tirahan din pala ng kanyang mga kabanda.

Gigi De Lana, ikinuwento ang pinagdadaanan ng ina: "Siya na lang 'yung meron ako ngayon"
Gigi De Lana (Photo: @gigidelana)
Source: Instagram

Bilang pag-iingat pa rin kasi sa COVID-19, minabuti nilang magsama-sama sa isang lugar lalo na at nadadalas na ngayon ang kanilang online gig sa kanila ring YouTube channel na Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Isa sa mga naikwento ni Gigi kay Karen ay ang kasalukuyang kalagayan ngayong ng kanyang ina na nakikipaglaban sa cancer.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nasa Showtime pa rin po ako. 2 years ago, 'dun po namin nalaman na meron siyang stage 2 breast cancer"

Aminadong labis na nag-alala si Gigi para sa kanyang ina lalo na at nang mga panahon na iyon, wala pa umano siyang maayos na kinikita.

"Nag-breakdown po ako, hindi ko po sa kanya pinakita kasi kailangan kong maging strong sa harap niya, kasi siya down na siya e."

"Sabi niya sa akin noon, 'nak pa-opera na natin pero wala akong pera," pagbabalik tanaw ni Gigi.

Madalas siyang umiyak nang mga panahong iyon dahil ang tanging nasa isip niya'y ayaw pa niyang mawala ang kanyang ina.

Read also

Lisa ng Blackpink, inspirasyon ni Ivana Alawi sa pagkakaroon niya ngayon ng short hair

"Siya na lang 'yung meron ako ngayon," pahayag ni Gigi patungkol sa kanyang pinakamamahal na ina.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Karen Davila YouTube channel:

Si Gigi De Lana ay unang nakilala bilang si Gidget Dela Llana na sumikat nang siya'y sumali sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime. Bukod sa pagiging singer, isa ring aktres si Gigi at nakasama siya sa pelikulang '4 Sisters before the wedding.'

Buhat nang mag-pandmeya, naging aktibo si Gigi sa online gig nila ng kanyang banda sa YouTube channel nilang Gigi De Lana and the Gigi Vibes.

Gumawa ng ingay kamakailan si Gigi nang mag-viral ang ginawa sa kanya ng kanyang mga kabanda nang kantahin niya ang "Bakit nga ba mahal kita" ni Roselle Nava.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel