Elias, kinaaliwan dahil sa reaksiyon matapos niyang paglaruan ang concealer

Elias, kinaaliwan dahil sa reaksiyon matapos niyang paglaruan ang concealer

- Ibinahagi ni Ellen Adarna ang nakaaliw na reaksiyon ng anak niyang si Elias Modesto

- Ito ay matapos siyang mahuli na pinaglaruan at nilagay nito sa kanyang katawan ang concealer ng kanyang Tita Mika

- Marami ang natawa sa mukha ng anak ni Ellen na nakatingin lamang sa babaeng nagtanong sa kanya kung anong ginawa niya

- Si Elias ang anak nina Ellen sa kanyang dating karelasyong si John Lloyd Cruz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umani ng mga reaksiyon ang post ni Ellen Adarna kung saan pinakita niya ang nakaaliw na reaksiyon ng anak niyang si Elias Modesto matapos siyang mahuling pinaglaruan ang concealer ng kanyang Tita Mika Adarna.

Elias, kinaaliwan dahil sa reaksiyon matapos niyang paglaruan ang concealer
Ellen Adarna (@maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Ipinahid niya ito sa kanyang katawan at nakatingin lamang sa babaeng nagtanong sa kanya kung ano ang kanyang ginawa.

Nag-sorry naman si Ellen sa kanyang kapatid.

Read also

PBB housemate Brenda Mage, emosyonal sa liham na padala ng BF: "Yapos mo 'ko"

His first encounter with a concealer. Sorry miks HAHAHAHA @mikaadarna

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang komento ng mga netizens:

Super cute…parang mahirap magalit pag ganito k cute ang May kasalanan
Naawa ako sa itsura ni Elias . Guilty na guilty hahah
He is trying to make pacute ate para di xa mapagalitan.. look at his eyes o napaka innocent.. pakurot nga baby

Si Ellen Adarna ang panganay na anak na babae ng isang mayamang pamilya sa Cebu na may maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao.

Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari rin ng isang templo na nasa Cebu bilang parangal sa kanyang yumaong lola.

Siya ay isang modelo na nagsimula bilang isang tanyag na internet celebrity at naging isang 'Star Magic' artist mula noong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Read also

Kylie Padilla, pinag-ingat umano ng ama sa isang ex niya

Matapos ang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz, naging karelasyon ni Ellen si Derek Ramsay at nakatakda na silang ikasal. Kamakailan ay umani ng mga reaksiyon ang picture nila Derek at Ellen na natutulog. Buong pagmamalaki namang sinabi ni Derek na maswerte siya sa kanyang mapapangasawa.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel