PBB housemate Brenda Mage, emosyonal sa liham na padala ng BF: "Yapos mo 'ko"

PBB housemate Brenda Mage, emosyonal sa liham na padala ng BF: "Yapos mo 'ko"

- Hindi naiwasang maging emosyonal ni Brenda Mage nang matanggap na niya ang mga padala ng kanyang boyfriend

- Isa sa mga ito ay ang unan na niyayapos nila pagtulog at mapapansing mayroon din itong larawan nilang dalawa

- Super sweet din ng sulat nakalakip nito at tahasang sinabi nito na miss na miss na niya si Brenda

-Si Brenda Mage ay isa sa mga official housemate ng 'PBB Celebrity edition' Season 10 na nagsimula noong Oktubre 16

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Super Kilig ang komedyanteng si Brenda Mage nang matanggap niya ang mga padala ng kanyang boyfriend mula 'outside world.'

Isa kasi si Brenda sa mga housemates ni Kuya sa PBB celebrity editon Season 10.

PBB housemate Brenda Mage, emosyonal sa liham na padala ng BF: "Yapos mo 'ko"
Photo: Brenda Mage
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na hindi naiwasang maging emosyonal ni Brenda sa padalang unan ng kanyang BF kung saan naroon din ang kanilang mga larawan.

Read also

Zeinab Harake sa kanyang mga body shamers: "'Di ko alam saan ako lulugar"

Lalo na nang basahin pa niya ang sulat na nagsasabing miss na miss na siya nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Babe, gawin mong inspirasyon itong unan natin na palagi nating niyayapos at katabi araw-araw sa pagtulog. Pinadala ko talaga 'to para hindi mo makalimutan ang pagmamahalan nating dalawa lalo na kapag sinasabi ko sa'yo 'pag natutulog tayo na 'Babe... Yapos mo 'ko' Miss na miss ko na 'yon," ang bahagi ng sulat para kay Brenda. Hindi na rin niya napigilang hindi maiyak.

Nang kumustahin siya ni Kuya, inamin niyang kinilig siya sa padala ng kanyang BF. First time daw kasi nila itong ihayag sa telebisyon.

Tumatagos daw talaga sa kanya ang mga sinasabi ng kanyang nobyo at hindi man niya ito kasama sa ngayon, ramdam niya ang pasasalamat nito sa kung anong meron siya ngayon dahil kay Brenda.

Read also

Fruit vendor na naka-laptop habang naglalako, dumadalo pala ng kanyang online classes

Narito ang kabuuan ng video mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel:

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong 2021, season 10 na ng Pinoy Big Brother at pawang mga celebrity ang kanyang mga bisita.

Bukod kay Brenda Mage, official housemate din sina Madam Inutz, Alexa Ilacad, volleyball star na si Alyssa Valdez at Miss Grand International 1st runner-up na si Samantha Bernardo.

Humarap muna ang mga housemate sa kani-kanilang task sa KUMU live streaming bago tuluyang pumasok sa bahay ni Kuya noong Oktubre 16.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel