Pinoy Big Brother Season 10, trending sa pagbubukas ng bahay ni Kuya

Pinoy Big Brother Season 10, trending sa pagbubukas ng bahay ni Kuya

- Trending sa Twitter ang #PBBKumunityparty sa pagbubukas muli ng Pinoy Big Brother house

- Celebrity edition ang Season 10 ng PBB na kinasabikan ng marami lalo na at napanood na nila ang mga housemates sa Kumu bago pumasok sa bahay ni Kuya

- Marami ang tumutok sa muling pagpasok ng official housemates ng Big Brother na mapapanood din online sa YouTube at sa Kumu

- Bukod sa #PBBKumunityparty, trending din ang mga housmates na sina Alyssa Valdez at Madam Inutz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad na nag-trending ang #PBBKumunityparty sa muling pagbubukas ng bahay ni 'Kuya' ngayong Sabado, Oktubre 16.

Nalaman ng KAMI na usap-usapan ang season 10 ng Pinoy Big Brother lalo na at celebrity edition ito ngayong taon.

Oktubre 6 nang magsimulang mag-anunsyo ang PBB ng kanilang mga official housemates na unang napanood sa Kumu kung saan nagkaroon na rin sila ng mga task.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Pinoy Big Brother Season 10, trending sa pagbubukas ng bahay ni Kuya
Pinoy Big Brother Season 10 houasemates (@PBBabscbn)
Source: Twitter

Kaya naman mas lalo silang pinakatutukan ng publiko nang opisyal na silang pumasok sa bahay ni Kuya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa hashtag na #PBBKumunityparty, trending din ang mga celebrity housmates na sina Alyssa Valdez at Madam Inutz.

Naroon din sina Alexa Ilacad, Brenda Mage at maging ang beauty queen na si Samantha Bernardo.

Inaabangan din ang pagpasok ng karagdagang housemates na sina Kyle Echarri, Albie Casiño at si Chi Filomeno.

Mapapanood ang PBB Season 10 sa Kapamilya Online Live at maging sa Kumu.

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid

Kamakailan, nasabi ni Ivana Alawi sa interview sa kanya ni Ogie Diaz na papayag siyang maging housemate ni kuya. Inalala niyang isa siya sa mga pumila noon para sa audition ngunit hindi pinalad na maging isang housemate ni Kuya.

Read also

Olivia Lamasan sa 'Hello, Love, Goodbye': "Originally LizQuen 'yan e!"

Sa interview ni Toni Gonzaga sa direktor at head ng Pinoy Big Brother na si Lauren Dyogi, mariin pa rin niyang itinanggi na siya ang misteryosong si 'Kuya' na hindi nagpapakita ng mukha.

Pinasalamatan din ni Direk Lauren si Toni na bagaman at malaki ang nabawas sa salary nito ay tinanggap pa rin ang pagiging isa sa mga host ng Pinoy Big Brother na tumatak na sa mga Pilipino.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica