Ivana Alawi, willing na maging housemate kahit na-reject na siya noon sa PBB

Ivana Alawi, willing na maging housemate kahit na-reject na siya noon sa PBB

- Payag na maging housemate ni 'kuya' sa Pinoy Big Brother House si Ivana Alawi

- Ito ay kahit na-reject siya noon nang sumubok mag-audition sa naturang reality show

- Willing siyang maging housemate kahit 24/7 ang mga camera roon upang mapatunayang kung ano siya sa vlog, iyon na talaga siya

- Gusto rin umano niya ang mga task ni kuya gayung pabiro niyang sinabi na kinakaya naman niya ang mga task ng kanyang 'big mother' sa kanilang bahay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Diretsang sinagot ni Ivana na papayag siyang maging housemate ni kuya sa Pinoy Big Brother House.

Ivana Alawi, willing na maging housemate kahit na-reject na siya noon sa PBB
Ivana Alawi, willing na maging housemate kahit na-reject na siya noon sa PBB
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na game na game si Ivana at gustong-gusto umano niya ang mga task gayung maging sa kanilang bahay ay nagagawa naman niya ang mga task ng kanyang Mama Alawi.

Read also

PBB housemate Brenda Mage, nakipagsabayan ng 'Granada walk' kay Samantha Bernardo

"Feeling ko papayag ako, kasi I love meeting new people. Saka gusto ko 'yung may mga task ako kasi lahat ng task sa bahay nagagawa ko na e."

Ito ay sa kabila nang pagkaka-reject sa kanya noong nag-audition siya sa PBB.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Handa rin si Ivana na makita ng mundo ang bawat kilos at galaw niya gayung 24/7 ang mga camera sa loob ng bahay ni Kuya.

"Oo, 'yun nga yung masaya e. Para lalo nilang makita na 'ay kung ano nga siya sa vlog, 'yun din siya."

Ayaw din niyang magkaroon ng special treatment sa kanya sakaling makapasok nga siya sa PBB house.

"Pantay-pantay kami 'wag kang gumanyan."
"As in as a normal housemate, ayokong may special... walang special-special treatment!'

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa 13.7 million ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Ivana gayung kumalat umano ang video kung saan kasama niya habang nagbi-videoke ang aktor na si Marco Gumabao.

Wala namang napapabalitang ibang karelasyon ang dalawa kaya marami ang naniniwalang posibleng nagkakamabutihan na sila.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel