PBB housemate Brenda Mage, nakipagsabayan ng 'Granada walk' kay Samantha Bernardo

PBB housemate Brenda Mage, nakipagsabayan ng 'Granada walk' kay Samantha Bernardo

- Hindi nagpahuli si Brenda Mage na nakipagsabayan ng 'Granada Walk' kay Samantha Bernardo

- Si Samantha ay first runner-up ng Miss Grand International na isa rin sa mga bagong housemates ng 'Pinoy Big Brother'

- Sa unang umaga nila sa Bahay ni Kuya, agad na nag-bonding ang mga housemates bilang bahagi ng pagkilala nila sa isa't isa

- Muling nagbukas ang bahay ni Kuya para sa PBB Season 10 noong Oktubre 16 kung saan mga celebrities ang official housemates ni Big Brother

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakipagsabayan ng 'Granada Walk' si Brenda Mage kay Samantaha Bernardo na kapwa niya housemate sa bahay ni 'Kuya.'

Sa unang umaga ng mga housemates ng Pinoy Big Brother Season 10, agad na nag-bonding ang mga ito bilang pagkilala na rin sa isa't isa.

PBB housemate Brenda Mage, nakipagsabayan ng 'Granada walk' kay Samantha Bernardo
PBB housemate Brenda Mage
Source: Instagram

Isa nga sa naibahagi ni Samantha ay ang naging karanasan niya bilang isang beauty queen. Matatandaang siya ang naging pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International 2020 pageant sa Bangkok, Thailand kung saan itinanghal siya bilang first runner-up.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Kaya naman nagpaturo si Brenda sa kanya ng tinatawag niyang 'granada' walk.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pati ang makulit na pagbanggit ng mga kandidata sa mga beauty pageant ay kanila ring napag-usapan.

"Hindi ba kayo nahihirapan 'pag sinasabi niyong 'Philippines!'" tanong ni Brenda kay Samantha.

Ayon sa beauty queen, maging ito ay kanya ring pina-praktis dahil ayaw niyang pumiyok habang binabanggit ang pangalan ng ating bansa.

Narito ang ilan pang mga kaganapan sa unang araw ng mga PBB housemates na naibahagi rin ni Erwin Nacion:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga kilalang artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Samantala, kamakailan ay nasabi ni Ivana Alawi sa interview sa kanya ni Ogie Diaz na papayag siyang maging housemate ni kuya. Inalala niyang isa siya sa mga pumila noon para sa audition ngunit hindi pinalad na maging isang housemate ni Kuya.

Read also

PBB ex-housemate Franki Russel, sasabak sa Miss Universe UAE

Sa interview ni Toni Gonzaga sa direktor at head ng Pinoy Big Brother na si Lauren Dyogi, mariin pa rin niyang itinanggi na siya ang misteryosong si 'Kuya' na hindi nagpapakita ng mukha.

Pinasalamatan din ni Direk Lauren si Toni na bagaman at malaki ang nabawas sa salary nito ay tinanggap pa rin ang pagiging isa sa mga host ng Pinoy Big Brother na tumatak na sa mga Pilipino.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel