Lauren Dyogi, pinasalamatan si Toni Gonzaga sa pagpapatuloy sa PBB sa kabila ng pay cut

Lauren Dyogi, pinasalamatan si Toni Gonzaga sa pagpapatuloy sa PBB sa kabila ng pay cut

- Pinasalamatan ni Direk Lauren Dyogi ng Pinoy Big Brother si Toni Gonzaga

- Ito ay dahil sa pagpapatuloy pa rin nito na maging bahagi ng programa sa kabila ng pay cut o pagbabawas sahod mula sa dating halaga nito

- Matatandaang sa kabila ng kaganapan noong nakaraang taon kaugnay sa ABS-CBN Shutdown, isa ang 'Pino Big Brother' sa nagpatuloy sa ere

- Pinakaaabangan na ngayon ang opisyal na pagbubukas ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 10

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming naikwento si Direk Lauren Dyogi ng Pinoy Big Brother tungkol sa mga pinagdaanan ng kanilang programa.

Nalaman ng KAMI na isa na rito ay ang pay cut o pagbabawas ng sahod maging ng mga host at silang executives dala pa rin ng pagsubok na dinaranas nila buhat nang maganap ang 'ABS-CBN Shutdown' noong nakaraang taon.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Lauren Dyogi, pinasalamatan si Toni Gonzaga sa pagpapatuloy sa PBB sa kabila ng pay cut
Lauren Dyogi (Photo: @direklauren)
Source: Instagram

Kaya naman pinasalamatan niya ang host ng Pinoy Big Brother na si Toni Gonzaga gayung isa ito sa nakaranas ng pay cut ngunit nagpatuloy pa rin sa pagiging bahagi ng programa.

"If you only knew how much pay cut Toni got for doing... Thank you very much Toni for doing the last season," pasasalamat ng direktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inamin niyang maging sila ay apektado at nakaranas din ng pay cut. Subalit sa kabila ng mga pagsubok ito na kanila ring nararanasan, doon niya mas napatunayan ang kanilang pagiging tunay na 'Kapamilya.'

"Ganoon naman ang pamilya di ba? Nag-tighten ng sinturon, sama-sama kayo dahil mahal niyo 'yung katrabaho niyo, mahal niyo 'yung kompanya niyo, mahal niyo 'yung pamilya niyo. Importante 'yun."

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga mula sa YouTube channel nito na Toni Gonzaga Studio:

Read also

PBB housemate Brenda Mage, nakipagsabayan ng 'Granada walk' kay Samantha Bernardo

Si Direk Lauren Dyogi ay Production Director ABS-CBN Entertainment at Head Director ng Pinoy Big Brother mula nang mapanood ito sa telebisyon noong Agosto ng 2005.

Marami ang naging tagasubaybay ng Pinoy Big Brother lalo na at marami sa mga kilalang artista ngayon ay mula sa naturang programa.

Kaya naman talagang kaabang-abang ang pagbubukas muli ng 'Bahay ni Kuya' sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 10. Ilan sa mga inanunsyo nang official housemates at sina Alexa Ilacad, Alyssa Valdez, Karen Bordador at maging si Madam Inutz.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica