Madam Inutz, nag-eempake na sa pagpasok sa Pinoy Big Brother Season 10

Madam Inutz, nag-eempake na sa pagpasok sa Pinoy Big Brother Season 10

- Masayang inanunsyo ni Madam Inutz na pasok siya sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10

- Sa kanyang post, sinabi niyans isa siya sa mga official housemate ni Big Brother sa bagong celebrity edition nito

- Sa kanya namang Kumu live, ipinakita niya ang kanyang paghahanda at pag-eempake sa pagpasok niya sa bahay ni Kuya

- Mula nang makilala dahil sa kanyang viral online selling, sunod-sunod na ang mga naging proyekto ni Madam Inutz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Official celebrity housemate na si Madam Inutz sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Nalaman ng KAMI na masaya itong inanusyo ng viral online seller sa kanyang Facebook page na Daisy-Licious Ukay.

"MGA INUTIL‼️ MAGBABAKSYON LANG MUNA AKO‼️ DAHIL PASOK TAYO SA OFFICIAL HOUSEMATE SA PINOY BIG BROTHER KUMUNITY SEASON 10 (CELEBRITY EDITION)"

Read also

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

Madam Inutz, nag-eempake na sa pagpasok sa Pinoy Big Brother Season 10
Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Kasabay halos nito ang pag-anunsyo ng mismong Pinoy Big Brother Facebook page na isa nga si Madam Inutz sa mga celebrity housemates sa bago at pinakaaabangang season ng PBB.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanya ring Kumu live, Makikitang super excited na si Madam Inutz sa kanyang paghahanda at pag-eempake sa pagpasok sa bahay ni 'Kuya'.

Dahil dito, marami sa kanyang mga fans at followers ang nagpahayag ng suporta sa kanyang pagiging isang official celebrity housemate.

Narito ang ilan sa kanyang mga komento:

"Sobrang blessed mo Madam Inutz, sunod-sunod ang blessings mo"
"Deserve mo yan Madam Inutz kasi mabuting ina, anak at kapamilya ka"
"Support ka namin Madam Inutz, Go go go! Manonood kami palagi"
"I'm so happy for you po, grabe umaapaw ang blessings at ang masaya, marunong kang i-share ito"

Read also

PBB ex-housemate Franki Russel, sasabak sa Miss Universe UAE

"Congrats Madam Inutz! Next big winner na 'yan!"

Agad na nakilala ng publiko Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo sa mahigit 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga paninda.

Noong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanyang manager at isa ring vlogger na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing. Mula noon, sunod-sunod na ang mga proyekto ni Madam Inutz.

Kamakailan lang ay inilabas na ni Madam Inutz ang kanyang debut single na "Inutil" kung saan mayroon pa siyang pa-dance challenge para rito kung saan Php100,000 ang mapapanalunan ng grand winner.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel