Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

Mga kaibigan ni Ethel Booba, asar-talo sa kanyang revenge prank

- Sa kanyang bagong video na ibinahagi sa kanyang YouTube channel., gumanti si Ethel Booba sa kanyang mga kaibigan

- Ito ay matapos siyang i-prank ng mga ito noon at naisipan niyang i-prank din sina Petite, Negi at Pepay

- Pinagbihis niya ang mga ito at dinala sa isang resort na kakilala din umano nila para sa isang raket

- Naasar ang mga ito matapos mapag-alamang prank lamang pala iyon ngunit napawi naman ang kanilang inis nang isama sila ni Ethel sa nasabing resort para makapag-bonding

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaaliwan ang bagong vlog ni Ethel kung saan binawian niya ng prank ang mga kaibigang sina Petite, Negi at Pepay matapos siyang mabiktima ng prank ng mga ito. Pinagbihis niya at pinag-make up nang todo ang mga ito dahil umano imbitado sila sa isang event.

Read also

Andi Eigenmann, inulan ng suporta kasunod ng mga isyung pinupukol sa kanya

Mga kaibigan ni Ethel Booba, napikon sa kanyang revenge prank
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

Lingid sa kaalaman nila ay wala palang event at mag-bobonding lamang silang magkakasama doon.

Hindi napigilang mapikon ng mga ito nang sabihin ng mag-asawa na revenge prank iyon. Gayunpaman, napawi ang kanilang inis nang sabihin ni Ethel na magbobonding sila doong magkakasama.

Todo hingi ng pasensiya ang mag-asawa dahil sa nagingg reaksiyon ng tatlo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga viewers sa YouTube channel ni Ethel:

Now!!! this is what we called legit PRANK and best prank of all times amongst youtubers/vloggers, aside with the swab test. This is what I like the most at hinahanap ko when I started watching your vlog since day one. Please PNP I can't wait for the REVENGE
THE BEST PRANK TO gawin mo din to sa BEKS FRIENDS OR BEKS BATTALION .miss Ethel

Read also

Ethel Booba at mga kaibigan, kinaaliwan sa kanilang "Try not to Laugh" video

Pinag Isipang content, Good Job Ethel and hubby… sobrang nakakatawa…. At ang sports din ng PNP…love you guys

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel