Madam Inutz, Php100,000 ang pa-premyo sa kanyang 'Inutil' Dance Challenge

Madam Inutz, Php100,000 ang pa-premyo sa kanyang 'Inutil' Dance Challenge

- Mamimigay ng Php100,000 si Madam Inutz sa mananalo sa kanyang 'Inutil' Dance Challenge

- Sa kanyang pinakabagong video, ibainahgi niya ang mechanics sa mga gustong sumali

- Mayroon din siyang consolation prizes sa iba pang kaya naman marami ang mabibiyayaan ng papremyo

- Ipinakita rin ni Madam Inutz ang kanilang paghahanda para sa music video ng kanyang single na Inutil

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

₱100,000 ang nakalaang papremyo ni Madam Inutz sa kanyang 'Inutil' Dance Challenge.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Madam Inutz ang mechanics ng dance challenge sa pinakabagong video niya sa kanyang YouTube channel.

Bukod sa ₱100,000 na grand prize, mayroon din siyang mga consolation prizes kaya marami ang mabibiyaan sa kanyang pa-contest.

Madam Inutz, mamimigay ng Php100,000 para sa kanyang 'Inutil' Dance Challenge
Madam Inutz (Photo: Daisy Lopez)
Source: Facebook

Ipinakita rin ni Madam Inutz ang kanilang paghahanda para sa music video ng kanyang single na Inutil.

Read also

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Talagang puspusan ang dance rehearsals ni Madam Inutz kaya naman naging maganda ang kinalabasan ng choreography para sa kanyang music video.

Agad na nakilala ng publiko Daisy Lopez o mas kilala bilang si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo sa mahigit 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga paninda.

Noong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanyang manager at isa ring vlogger na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Kamakailan ay dumulog na si Madam Inutz sa 'Wanted sa Radyo ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang mga scammer na gumagamit umano ng kanyang pangalan sa iba't ibang social media page.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Ang masaklap daw kasi, nanghihingi umano ng pera na pinalalabas na donasyon ang mga pekeng page at marami-rami na rin ang naloloko ng mga ito lalong-lalo na ang mga senior citizens na fans ni Madam Inutz.

Mayroon ding gumagamit pa umano ng mga larawan ng may karamdaman para mas mabilis ang panghihingi ng pera sa maraming followers ni Madam Inutz.

Katunayan, habang kinakapanayam siya ni Tulfo ay ipinakita niyang naka-live ang isa sa mga Facebook page na gumagamit lamang ng kanyang pangalan at nagre-reupload ng kanyang mga video.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel