Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

- Matapos maibalik kamakailan ang kanyang YouTube channel, naibahagi na ni Jomar Lovena ang behind-the-scenes ng photoshoot nila para sa 1st month ni Baby Sety

- Dito na rin pinakita ng vlogger at ng kanyang partner ang mala-anghel na mukha ng kanilang baby

- Hindi mapigilan ni Jomar na ipagmalaki ang kanyang anak na aniya ay napakaganda at kamukha umano ng kanyang ina

- Matatandaang kamakailan lang din niya ibinahagi sa publiko ang tungkol sa panganganak ng partner niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Proud na pinakita ni Jomar Lovena ang mala-anghel na mukha ng baby nila ng partner niyang si Veybillyn Gorens. Sa kanyang bagong video na binahagi sa kanyang YouTube channel na kamakailan lang din naibalik, pinakita niya ang behind-the-scene clips ng kanilang photoshoot para sa unang buwan nito.

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety
Jomar Lovena
Source: Instagram

Hindi naman maitago ni Jomar ang kanyang pagiging proud sa kanyang baby na aniya ay napakaganda at kamukha ng kanyang mama.

Read also

Video ng BF na hinimatay muna bago mag-propose sa nobya, nagpakilig sa netizens

Habang isinasagawa ang photoshoot, nasabi din ni Jomar na kahit papaano ay nakakalimutan niya ang pagkawala ng kanyang YouTube channel. Naganap ito kamakailan ngunit nabalik na rin ang channel niya.

Samantala, marami naman sa kanyang mga supporters ang masaya para sa kanilang idolo:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Worth it lahat ang paghihintay at pagtatyaga mo lodi so proud of you huhuhuhu I'm a silent fan since day one congrats deserve mo yan
Happy seeing genuinely happy with your family kuya Jomar you deserve it. God Bless you and your family and Wishing you all a Good health.
Sobrang ganda talaga ni baby manang mana sa Mommy niya ilong palang grabe ganda at cute. Congratulations lods

Si Jomar Lovena ay isang YouTuber sa Pilipinas. Nakilala ang tambalan nila ng isa pang YouTuber na si Sachzna Laparan. Gayunpaman, napagkasunduan nilang itigil ang kanilang paggawa ng mga content na magkasama. Kasunod nito ay pinakilala nila ang kanilang mga karelasyon.

Read also

Angeline Quinto, pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa pinagawa nito sa kitchen ni Angge

Matatandaang kamakailan ay ipinakilala ni Jomar ang kanyang kasintahang si Veybillyn Gorens. Kasunod nito ay naibahagi niya ang tungkol sa pagdadalantao nito at ngayon nga ay ibinahagi niya ang video ng araw kung saan ipinanganak ni Veybillyn ang kanilang anak.

PAALALA: Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel