Jomar Lovena at partner niyang si Veybillyn Gorens, proud parents sa kanilang baby girl

Jomar Lovena at partner niyang si Veybillyn Gorens, proud parents sa kanilang baby girl

- Sa kanyang pinakabagong video ay pinakita ni Jomar Lovena ang araw ng panganganak ng kanyang girlfriend na si Veybillyn Gorens

- Naibahagi niya rin na nagkaroon sila noon ng gender reveal ngunit hindi sila magkasama noon dahil nasa America ang kanyang kasintahan nang gawin nila iyon

- Babae ang kanilang anak at tinawag nila itong si Baby Sety at pinanganak ito nitong September 7, 2021

- Hindi pa pinakita ng magkasintahan ang mukha ng kanilang anak ngunit buong pagmamalaking sinabi ni Jomar na napakaganda ng kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kasunod ng pagsasapubliko kamakailan ni Jomar Lovena sa balitang magiging ama na siya sa anak nila ng kanyang kasintahang si Veybillyn Gorens, ibinahagi naman niya ang video na kuha noong araw na nanganak na ang kanyang girlfriend.

Jomar Lovena at partner niyang si Veybillyn Gorens, proud parents sa kanilang baby girl
Jomar Lovena
Source: Facebook

Ipinanganak ni Veybillyn ang isang baby girl na tinawag nilang si Baby Sety noong September 7, 2021 nang umaga.

Read also

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

Hindi maitago ng dalawa ang kanilang tuwa sa pagdating ng kanilang prinsesa. Hindi pa nila ipinapakita ang mukha ni Baby Sety ngunit buong pagmamalaking sinabi ni Jomar na napakaganda ng kanyang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang kamakailan lang din ipinakilala ni Jomar si Veybillyn sa publiko. Inakala ng mga netizens noon na si Sachzna Laparan ang kanyang girfriend ngunit nang tuluyan nang ipinakilala ni Sachzna ang kanyang boyfriend na si Jerome Ponce, marami sa kanilang mga fans ang nakisimpatya kay Jomar.

Si Jomar Lovena ay isang YouTuber sa Pilipinas. Nakilala ang tambalan nila ng isa pang YouTuber na si Sachzna Laparan. Gayunpaman, napagkasunduan nilang itigil ang kanilang paggawa ng mga content na magkasama. Kasunod nito ay pinakilala nila ang kanilang mga karelasyon.

Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa heganteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.

Read also

Bagong panganak na wala pang pambayad sa clinic, masuwerteng nanalo sa Wowowin

Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel