Vlogger na si Jomar Lovena, isinapubliko ang pagbubuntis ng kanyang girlfriend
- Masayang ibinahagi ng vlogger na si Jomar Lovena ang pagdadalantao ng kanyang karelasyon na si Veybillyn Gorens
- Matatandaang kamakailan lamang nang isapubliko din ng vlogger ang tungkol sa kanilang relasyon
- Sa kanyang panibagong vlog ay pinasalamatan ni Jomar ang lahat ng sumuporta sa kanila kahit nang tumigil siya ng pag-vlog kasama si Sachzna Laparan
- Si Veybillyn ay kapatid ng dating asawa ni Buboy Villar na si Angillyn Gorens
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Bumuhos ang pagbati para sa ibinahaging balita ng vlogger na si Jomar Lovena kaugnay sa pagdadalantao ng kanyang girlfriend na si Veybillyn Gorens.
Sa kanyang bagong YouTube video ay minabuti nilang ipaalam na sa publiko na magiging magulang na sila sa kanilang baby.
Bukod sa kanilang mga taga-suporta, pinasalamatan din ni Jomar si Veybillyn sa pagiging supportive nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala. maging ang mga tagahanga ng tambalan nila ni Sachzna ay nagpakita ng suporta kay Jomar at Veybillyn:
Congrats Bosskillah at sayong Partner. Isang Napakalaking Blessing ni Lord sainyo yan... Solid fan mo ko bosskilla
Omooooo! So excited for the baby, gender reveal bosskillah❤️ Congratulations naney and tatey That genuine smile of yours is priceless. Hoping for a happy journey for you both
Congrats!!Natagpuan mo na rin ang babaeng tunay na nagmahal sau at tinanggap ka ng buong buo. Nakikita kong masayang masaya ka na. God bless both of you and your family.
Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa heganteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.
Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pagpapalagay na ang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh