Vice Ganda, pinakita ang kanyang hair makeover sa salon ni Ryan Bang

Vice Ganda, pinakita ang kanyang hair makeover sa salon ni Ryan Bang

- Bilang pag-suporta sa salon ng kanyang anak-anakan na si Ryan Bang, pinakita ni Vice Ganda ang kanyang naging hair make-over sa Muriduart na pagmamay-ari ni Ryan

- Pinapunta niya rin doon ang sikat na nail artist na gumagawa ng mga nail arts ng ilang sikat na artista

- Isang scalp treatment ang ginawa kay Vice Ganda upang muling tumubo nang malusog ang kanyang buhok

- Pinakita ni Vice Ganda ang kanyang tunay na buhok sa vlog na ito na hindi pangkaraniwan dahil kadalasan ay may suot siyang wig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang bagong vlog ay pinakita ni Vice Ganda ang kanyang hair makeover sa salon ni Ryan Bang na Murisuart. Nilinaw niyang alinsunod sa alituntuning pinapatupad ng IATF, nakasara ang nasabing salon ngunit binuksan lamang iyon para sa kanyang shoot at sumailalim din sa Covid test ang lahat ng kasama sa nasabing vlog.

Read also

Madam Inutz, todo ang pagpapa-beauty sa kanyang hair transformation video

Vice Ganda, pinakita ang kanyang hair makeover sa salon ni Ryan Bang
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Pinapunta niya rin doon ang sikat na nail artist na gumagawa ng mga nail arts ng ilang sikat na artista. Isang scalp treatment ang ginawa kay Vice Ganda upang muling tumubo nang malusog ang kanyang buhok.

Pinakita ni Vice Ganda ang kanyang tunay na buhok sa vlog na ito na hindi pangkaraniwan dahil kadalasan ay may suot siyang wig.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging tandaan at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel