Vice Ganda at Ion Perez, deadma sa mga patutsada ni Buknoy Glamurrr

Vice Ganda at Ion Perez, deadma sa mga patutsada ni Buknoy Glamurrr

- Makahulugan ang mga binitawang salita ni Ion Perez sa social media matapos ang pagkalat ng live video nina Buknoy Glamurrr at Gabo

- Ayon kay Ion, masyado nang maraming problema ang mundo para pagtuonan pa nila ng pansin ang mga gumagawa ng isyu

- Deadma naman si Vice Ganda at wala nang binahaging pahayag hinggil sa isyu kung saan dinawit pa silang dalawa ni Ion sa patutsada ni Buknoy kay Awra Briguella

- Gayunpaman, ayon sa management nina Buknoy at Gabo, nakarating sa kanila ang balitang galit umano si Vice sa ginawa ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na pinag-aksayahan nina Vice Ganda at Ion Perez ng maraming oras ang isyu tungkol sa pang-iintriga ng social media influencers na sina Buknoy Glamurrr at Gabo Adeva.

Sa halip ay simpleng mensahe lang ang ibinahagi ni Ion na nagpapabatid na tila wala silang balak na paglaanan ng oras ang isyu.

Read also

Buknoy Glamurrr at Gabo, sinuspinde at pinagmulta ng management nila

Vice Ganda at Ion Perez, deadma sa mga patutsada ni Buknoy Glamurrr
Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang social media post, sinabi ni Ion ang kanyang saloobin.

"Masyado ng problemado ang mundo para isipin pa namen kayo!"

Nilinaw niya ring hindi siya galit sa mga ito bagkus naaawa siya.

Wala naman pahayag si Vice Ganda kaugnay dito pero base sa nakarating na balita sa Star Image, galit umano ito sa ginawa ng dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

JM de Guzman, kinailangang tahiin ang sugat sa ulo matapos maaksidente sa set

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Biguela.

Kasunod nito ay agad na humingi ng dispensa ang dalawa matapos silang patawan ng suspensiyon at pinagmulta ng talent agency na may hawak sa kanila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel