JM de Guzman, kinailangang tahiin ang sugat sa ulo matapos maaksidente sa set

JM de Guzman, kinailangang tahiin ang sugat sa ulo matapos maaksidente sa set

- Ibinahagi ni JM de Guzman ang kanyang tinamong sugat sa noo dahil sa isang aksidente habang nasa set ng kanyang ginagawang serye

- Kinailangan umano itong tahiin ng apat na stitches sa gitna ng sugat para hindi makita ang tahi

- Binahagi niya rin ang video kung saan ginagawa ang pagtatahi sa kanyang sugat sa noo

- Gayunpaman, hindi na binahagi ni JM ang buong detalye ng pangayayari na umano'y throwback lamang noong nasa lock-in taping sila ng Init sa Magdamag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nag-alala para sa aktor na si JM de Guzman matapos nitong ibahagi sa Instagram ang aksidenteng kanyang naranasan habang nasa lock-in taping ng seryeng Init sa Magdamag.

Kinailangang tahiin ang sugat sa kanyang noo para hindi ito lumala at mas madaling gumaling.

JM De Guzman, kinailangang tahiin ang sugat sa ulo matapos maaksidente sa set
JM De Guzman (@1migueldeguzman)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

Base sa kanyang caption, pinasalamatan nito si Yam Concepcion para sa cute art. Maririnig naman si Yam na nag-sosorry sa isa sa mga video na ibinahagi ni JM.

Kabilang din sa binahagi ng aktor ay ang video kung saan tinatahi ang kanyang sugat na ginawa umano sa pamamagitan ng pagtahi sa gitna ng sugat para hindi makita ang stitch.

Gayunpaman, nakalagay din sa post na ito ni JM na throwback ito noong nasa lock-in taping pa sila ng nasabing serye.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Juan Miguel Gob de Guzman o mas kilala sa kanyang screen name na JM de Guzman ay isang aktor, mixed martial artist, model at singer. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Angelito: Batang Ama kung saan siya ang gumanap sa papel ng bidang si Angelito.

Read also

Online seller na may isang viewer lang sa live selling, nagbigay inspirasyon sa marami

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang ibinahagi nila ng kaibigan niyang si Arci Muñoz sa social media na inakala ng karamihan na totoo.

Gayunpaman, prank lamang pala nila iyong lumabas na balitang may relasyon sila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel