Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan

- Binahagi ni Jennica Garcia na nagkaroon ng COVID sa kanilang tahanan noong March at naulit umano ito uli ngayong Abril

- Hindi niya napigilang maging emosyonal dahil sa ginawa ng kanyang 5 taong gulang na anak para matulungan siya sa gawaing bahay

- Hindi ipinagkaila ni Jennica na mahirap ang kanyang sitwasyon lalo at wala siyang katuwang sa pag-aalaga sa kanyang mga anak

- Marami naman ang naantig nang patahanin ng mga anak niya ang kanilang inang hindi na napigilan ang pag-iyak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Jennica Garcia ang isang video kung saan naging emosyonal siya matapos niyang malamang nagkusang maglinis ang kanyang limang taong gulang na anak na panganay na si Mori.

Binahagi niya rin na may COVID sa kanila sa kasalukuyan ngunit mababa na umano ang lagnat ng kanyang bunso.

Read also

Sunshine Cruz, masayang-masaya na muling makasama ang mga anak

Jennica Garcia, 'di napigilang maging emosyonal sa kanyang pinagdadaanan
Jennica Garcia Uytingco (@jennicauytingco)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi napigilang maiyak ni Jennica dahil sa kanyang galak sa kanyang mga anak na agad siyang pinatahan nang makita nilang umiiyak ito.

Ayon kay Jennica, mananatili sila pansamantala sa unit kung saan sila naka-isolate at nagbabalak na lumipat sa bahay ng kanyang mama na si Jean Garcia kapag mag-negative na sila sa virus.

We will remain quarantined in our unit for the remaining days of the month of April and move to my Mama's house next month when we are already tested negative for Covid. Thank you Mama Jean for opening your doors for us. We will see you soon Mama!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Jennica Garcia ay dating naging aktibo din sa showbiz kagaya ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Nang ikasal sila ay napagpasyahan ni Jennica na tumigil muna sa pag-aartista at bigyan ng oras ang kanilang pamilya.

Read also

Camille Trinidad, naglabas ng sama ng loob kaugnay sa lumabas na isyu

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami ang humanga sa mag-asawang Jennica at Alwyn dahil sa umano'y pagiging magandang halimbawa. Nang pumutok ang Bulkang Taal, kabilang ang mag-asawa sa mga tumulong sa mga residenteng naapektuhan.

Gayunpaman, marami ang nagkaroon ng agam-agam nang magtanong si Jennica Garcia kung paano papalitan ang kanyang apelyido at marami rin ang nakapansin sa pagkawala ng mga litrato ni Alwyn sa kanyang Instagram page.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel