Camille Trinidad, naglabas ng sama ng loob kaugnay sa lumabas na isyu

Camille Trinidad, naglabas ng sama ng loob kaugnay sa lumabas na isyu

- Hindi na napigilan ni Camille Trinidad na malabas ng kanyang saloobin hinggil sa mga isyung kinasasangkutan ng boyfriend niya

- Ang pinakahuli nga ay ang isyu ng isang fan na umano'y hinalikan ni Jayzam nang minsang magpunta ito sa isang resort

- Nabanggit din ni Camille ang sama ng loob niya sa pinsan ni Jayzam na kasa-kasama niya noong mangyari ang insidente

- Binaggit din nito ang ilang pagkakataon na umalis si Jayzam nang magkatampuhan sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nga nakapagtimpi si Camille Trinidad at inilabas na rin niya ang sakit na kanyang nararamdaman kaugnay sa isyu kung saan sangkot ang boyfriend na si Jayzam Manabat.

Aniya, ilang beses na ring sumama ang loob niya dahil sa mga isyung kagay nito.

Camille Trinidad, naglabas ng sama ng loob kaugnay sa lumabas na isyu
Photo from Camille Trinidad (@camilleptrinidad)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jayzam Manabat, hinihintay na lamang ang CCTV na panlaban sa akusasyon sa kanya

Sa isang Facebook post ay inilabas ni Camille ang bigat ng kanyang nararamdaman matapos nga ilabas ng isang fan ang umano'y patunay ng ginawa ni Jayzam nang minsang pumunta ito sa resort at nakipag-inuman.

Sa kabila ng mga nangyari, naisip ni Camille na mabait pa rin sa kanya ang Diyos dahil nalaman niya ng mas maaga. Gayunpaman, hindi niya na dinaan sa paggawa ng video ang kanyang mensahe dahil umano sa sobrang bigat na kanyang nararamdaman.

Sana next time bago nyo gawin isipin nyo muna yung sakit na dadalhin ng tao, yung sakit na hindi madaling kalimutan. Oo walang perpekto alam natin yan. Pero mahal ko yung tao at hindi ko sasayangin yung kung anong binuo namin simula umpisa. God knows nag papasalamat ako kasi lumabas din lahat. Kaya siguro hindi ako mapakali palagi kasi may ganito pala. Mabait padin saakin ang Diyos kasi nalaman ko lahat. Hindi ko na ito ivinideo kasi hindi ko kaya. Sa sobrang bigat.

Read also

JaMill, muling naging usap-usapan kaugnay sa 'halikan' isyu ni Jayzam Manabat

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang Tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.

Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel