Jayzam Manabat, hinihintay na lamang ang CCTV na panlaban sa akusasyon sa kanya

Jayzam Manabat, hinihintay na lamang ang CCTV na panlaban sa akusasyon sa kanya

- Sa gitna ng mga akusasyon laban sa kanya, pinalagan ni Jayzam Manabat ang mga sinabi ng isang fan

- Aniya ay hinihintay na lamang niya ang hinihingi niyang kopya ng CCTV footage sa resort kung saan umano naganap ang sinabi ng isang fan na hinalikan niya umano

- Dagdag pa ni Jayzam nakapag-usap na sila ni Camille tungkol dito at hindi umano siya nagmamalinis

- Matatandaang pumutok ang usaping ito matapos mag-viral ang komento ng isang netizen tungkol sa karanasan ng kanyang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi inatrasan ni Jayzam Manabat ang mga akusasyon laban sa kanya ng isang fan na nagsabing hinalikan niya umano nang magpa-picture ito sa kanya sa isang resort.

Nag-viral ang post na ito ng isang netizen na nagbahagi ng umano'y naranasan niya nang minsan ay makita ang vlogger sa resort na kanilang pinuntahan.

Read also

JaMill, muling naging usap-usapan kaugnay sa 'halikan' isyu ni Jayzam Manabat

Jayzam Manabat, hinihintay na lamang ang CCTV na panlaban sa akusasyon sa kanya
Photo from Camille Trinidad (@camilleptrinidad)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang Instagram story ay sinabi ni Jayzam na hindi siya nagmamalinis ngunit humingi na umano siya ng kopya ng cctv at patos na ang usapan tungkol sa isyu.

Wala na kong ibang sasabihin pa, kasi sya naman nag sisira sa sarili niya. Ginagawa nyang tanga yung tao, akala nya siguro di marunong mag isip at mag analyze yung netizens. Hindi ako nandito para mag malinis o kung ano man. Napag usapan na din namin ni Camille ang lahat. Humihingi ako ng cctv copy, pag nakuha natin to. Tapos ang usapan.

Jayzam Manabat, hinihintay na lamang ang CCTV na panlaban sa akusasyon sa kanya
Jayzam Manaba (@jayzamlloyd)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang Tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.

Read also

Derek Ramsay, tinanong ng nanay ni Ellen kung sigurado na ito sa pagpapakasal

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.

Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel