JaMill, muling naging usap-usapan kaugnay sa 'halikan' isyu ni Jayzam Manabat

JaMill, muling naging usap-usapan kaugnay sa 'halikan' isyu ni Jayzam Manabat

- Sunod-sunod ngayon ang naging dagok sa magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad

- Matapos ng mga naglabasang mga reklamo ng ilang netizens sa umano'y pag-scam sa kanila, isang babae ang naglabas ng umano'y paghalik sa kanya ni Jayzam nang minsang malasing ito

- Ibinahagi niya rin ang kopya ng umano'y naging pag-uusap nila ni Camille hinggil sa isyu

- Sina Camille at Jayzam ang magkasintahang sumikat sa YouTube at nakilala bilang JaMill

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang sunod-sunod na kontrobersiyang kinasangkutan, muling nadawit ang pangalan ni Jayzam Manabat sa isyu matapos ibahagi ng isang netizen ang umano'y ginawa nitong pag-halik sa kanya noong nakainom ito at hindi kasama si Camille.

Nilinaw niyang wala na sana siyang balak na ibahagi pa ang tungkol sa nangyari ngunit matapos mag-viral ang comment ng kanyang kaibigan tungkol sa nangyari, minabuti niya na ring ibahagi ito.

Read also

Jayzam Manabat at Camille Trinidad, nagsagutan sa Instagram sa gitna ng mga isyu

JaMill, muling naging usap-usapan kaugnay sa 'halikan' isyu ni Jayzam Manabat
Photo from Camille Trinidad (@camilleptrinidad)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinubukan din umano ng nasabing babae na ipaalam ang lahat kay Camille. Sa nag-viral na post, kalakip din ang naging pag-uusap nila ni Camille.

Nilinaw niyang wala siyang boyfriend ngunit alam niyang may karelasyon si Jayzam kaya hindi naman siya umano nag-"kiss back."

Inalmahan din niya ang hindi magandang salitang kanyang natanggap noong pinaalam niya kay Camille ang lahat ng nangyari. Gayunpaman, hindi umano siya sigurado kung si Camille nga ang nagsabi niyon o si Jayzam.

May lumabas din na mga litrato na magpapatunay umano na nagpa-picture siya sa sikat na YouTube personality.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang Tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.

Read also

Derek Ramsay, tinanong ng nanay ni Ellen kung sigurado na ito sa pagpapakasal

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.

Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel