Derek Ramsay, tinanong ng nanay ni Ellen Adarna kung sigurado na ito sa pagpapakasal

Derek Ramsay, tinanong ng nanay ni Ellen Adarna kung sigurado na ito sa pagpapakasal

- Ibinahagi ni Ellen Adarna na maging ang kanyang pamilya ay excited na sa kasal nila ni Derek Ramsay

- Nagpaalam umano si Derek sa kanyang pamilya sa virtually dahil na rin sa kasalukuyang restrictions dahil sa pandemya

- Ayon naman kay Derek tinanong siya ng ina ni Ellen kung sigurado na daw ba ito sa pagpapakasal sa anak niya

- Nakatakdang ikasal sina Ellen at Derek ngayong taon na kanilang ibinahagi sa isang panayam kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuloy-tuloy pa rin ang magkasintahang Ellen Adarna at Derek Ramsay sa kanilang mga pasabog tungkol sa kanilang pagmamahalan.

Sa kanyang social media account ay sinagot ni Ellen Adarna ang ilang katanungan ng mga netizens tungkol sa kanila.

Derek Ramsay, tinanong ng nanay ni Ellen Adarna kung sigurado na ito sa pagpapakasal
Derek Ramsay (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

18 katao tinamaan ng COVID-19 matapos ang kanilang pagtipon-tipon

Ayon kay Ellen, suportado ng kanyang ina ang kasal nila ni Derek at botong-boto umano ito sa aktor na nagpaalam online sa kanyang pamilya bago pa ito nag-propose.

“Sabi nga niya, ‘Sure ka? No return, no exchange, ha!’” ani Derek na nagkukwento tungkol sa pag-uusap nila ng nanay ni Ellen.

Matatandaang marami ang naintriga matapos lumabas ang mga picture at video ng dinner kung saan unang nakitang magkasama sina Ellen at Derek.

Simula noon ay sunod-sunod nang namamataang magkasama ang dalawa maging ang anak ni Ellen sa dating kasintahang si John Lloyd Cruz.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Derek Ramsay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Ria Atayde, kinailangang sumailalim sa operasyon dahil sa herniated disc

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel