Ria Atayde, kinailangang sumailalim sa operasyon dahil sa herniated disc

Ria Atayde, kinailangang sumailalim sa operasyon dahil sa herniated disc

- Ibinahagi ni Ria Atayde ang tungkol sa kanyang pinagdaanang operasyon kamakailan

- Ito ay matapos umanong madiagnose siya noong nakaraang taon ng herniated disc sa kanyang spine

- Maging ang pagtayo ng tuwid ay naging mahirap na para sa kanya dahil sa kanyang kondisyon

- Kaya naman minabuti na niyang tumuloy sa pagpapaopera bunsod na rin ng payo ng kanyang mga doktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Ria Atayde na sumailalim siya sa isang operasyon kamakailan dahil sa kanyang herniated disc sa kanyang spine.

Bukod sa hindi na siya komportable at apektado na ang kanyang pang-araw-araw na gawain, gusto rin ni Ria na maging handa para sumabak sa isang teleseryeng kanyang gagawin.

Ria Atayde, kinailangang sumailalim sa operasyon dahil nanganib na ma-paralyze
Ria Atayde (@ria)
Source: Instagram

Sa isang panayam sa ABS-CBN News, binahagi ni Ria ang kanyang pinagdaanan.

Bago tuluyang magpasya ay nakapagkonsulta siya sa walong doktor.

Read also

Kris Bernal, ipinakita ang kanyang asong si Pogi na kanyang na-rescue

“Out of the eight, two of them said don’t do surgery, not yet, kaya pa. But six of them said, ‘You need it or else there’s a tendency na pwede ka maging paralyzed or you will reach a point na you can’t control your bladder, internal organs.’ I was like, ‘Oh my God, really?’ I did pa rin therapy kaso nga this February, sobrang lala,” aniya.

Isinagawa ang operasyon sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig noong April 8.

Ibinahagi ni Ria na si Angel ang tumulong sa kanya. Isa si Angel sa mga kilalang mga artistang may kondisyon na kagaya sa kanya

“She gave me all her contacts. She gave me all the numbers even of her doctors in Singapore. Saying nga I couldn’t see them because I’m not entitled to fly to Singapore,” pagbabahagi ni Ria.

Sa kasalukuyan, patuloy pa siyang nagpapagaling ngunit nakakatayo na siya ng maayos kumpara noong hindi pa umano siya sumailalim sa operasyon.

Read also

Sunshine Cruz, nagbahagi ng bagong update sa kanyang recovery

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ria Atayde ay isang Pinay actress. Anak siya ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez at ni Arturo Atayde. Naging bahagi siya ng maraming teleserye sa ABS-CBN kagaya ng My Dear Heart at Halik.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Ria sa ilang mga personalidad na hindi natatakot magbahagi ng kanyang opinyon at saloobin. Sa katunayan, nagbahagi siya ng matapang na pahayag tungkol sa kalagayan ng bansa.

Kamakailan ay kinaaliwan ng mga netizens ang pagbati ni Arjo Atayde kay Ria sa kaarawan nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel