Arjo Atayde, nagbahagi ng kanyang pagbati sa kaarawan ng kapatid na si Ria Atayde

Arjo Atayde, nagbahagi ng kanyang pagbati sa kaarawan ng kapatid na si Ria Atayde

- Ibinahagi ni Arjo Atayde ang kanyang pagbati sa kanyang kapatid na si Ria Atayde para sa kaarawan nito

- Inilarawan niya si Ria bilang kanyang unang naging bestfriend at kalakip ng kanyang pagbati ay mga litrato nila na kuha noong bata pa sila

- Hindi lingid sa publiko ang pagiging malapit ng magkapatid dahil sa mga ibinabahagi nilang mga mensahe para sa isa't-isa

- Pinasalamatan din ni Arjo ang kapatid para sa lahat ng pinagsamahan nila simula noong bata pa lamang sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling pinatunayan ni Arjo Atayde kung gaano niya pinapahalagan ang kanyang kapatid na si Ria Atayde.

Sa kaarawan nito ay ibinahagi ni Arjo ang ilang mga litrato nilang dalawa na kuha noong bata pa sila. Kalakip nito ay ibinahagi ng aktor ang kanyang matamis na pagbati.

Arjo Atayde, nagbahagi ng kanyang pagbati sa kaarawan ng kapatid na si Ria Atayde
Arjo Atayde (@arjoatayde)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Lalaking pumasok sa iba't ibang trabaho mula pagkabata, isa na ngayong principal at negosyante

Inilarawan niya si Ria bilang unang naging bestfriend niya.

Pinasalamatan niya ito sa lahat ng kanilang pinagsamahan habang sila ay lumalaking magkasama.

Happy Birthday to my first Best Friend! Growing up would never be the same without you.. thank you for everything! I love you Wiwi!

Bumuhos din ang mga pagbati para kay Ria hindi lamang mula sa mga netizens kundi mula din sa mga kasamahan nila sa showbiz.

Bilang anak ng isa sa maituturing na batikan at dekalibreng aktres na si Sylvia Sanchez, hinangaan din ang talento ng magkapatid sa larangan ng pag-arte. Sa katunayan, nagkasama na sila sa pagganap sa isang episode ng Drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Si Arjo Atayde ay aktor na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang teleserye kagaya ng Hanggang Kailan, The General’s Daughter, at sa iWant original series na Bagman kung saan nakasungkit siya ng maraming acting awards. Anak siya ng beteranang aktres na si Sylvia Sanches at kapatid ni Ria Atayde.

Read also

Bianca Lapus, humiling ng panalangin para sa kanyang paggaling

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbati ni Arjo sa kanyang kasintahang si Maine Mendoza. Nauna na ring sinabi ni Arjo na binago ni Maine ang kanyang ugali at buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel