Lalaking pumasok sa iba't ibang trabaho mula pagkabata, isa na ngayong principal at negosyante

Lalaking pumasok sa iba't ibang trabaho mula pagkabata, isa na ngayong principal at negosyante

- Kahanga-hanga ang kwento ng tagumpay ng isang school principal na aminadong lumaki sa hirap

- Mula sa edad na 11 ay natigil siya pansamantala sa pag-aaral upang agad na magbanat ng buto

- Naging gasoline boy siya sa murang edad at pinasok na rin niya ang pagbebenta at paglalako may maitustos lang sa pag-aaral

- Dahil sa angking katalinuhan, nakapasa siya bilang iskolar ng CHED dahilan para siya ay makapagtapos ng pag-aaral

- Bukod sa pagiging isang school principal, nakamit na rin niya ang pagiging isang doctor of philosophy at isa ring negosyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng school principal na si Alexander Cruz ng Marilao, Bulacan ang kanyang inspiring story na talaga namang kapupulutan ng aral.

Ayon kay sir Alexander, aminado siyang hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan para makamit ang masasabi niyang tinatamasang tagumpay sa ngayon.

Read also

Lola na biktima ng "trolley attack" sa California, idinetalye ang pangyayari

Mula pagkabata kasi ay nasanay na siya sa pagbabanat ng buto. Marami siyang pinasok na trabaho matustusan lamang ang kanyang mga gastusin lalo na sa pag-aaral.

Lalaking pumasok sa iba't ibang trabaho mula pagkabata, isa na ngayong school principal
Photo from Alexander C. Cruz
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

At ngayon, hindi lamang siya isang punongguro kundi isa na rin siyang doctor of philosophy.

Narito ang kabuuan ng kwento ni sir Alexander na kanya mismong inilahad sa KAMI:

"Ako po si Alexander Cruz, tubong San Rafael, Bulacan at ngayon po ay nakatira sa San Ildefonso, Bulacan. Ako po ay isa lumaki sa hirap at talaga pong masasabi ko na napakabuti po ni Lord dahil sa mga biyaya na ipinagkaloob at ipinagkakaloob pa po sa akin at sa aking pamilya.
Ako po naghinto sa pag aaral nong ako ay Grade 5 at nagtrabaho bilang isang gasoline boy sa edad na 11 ako po ay sumasahod ng Php180 sa loob ng isang buwan noong panahon na iyon at nang makaipon ay nagpatuloy ng akong sa pag-aaral sa edad na 16 bilang grade 6.

Read also

Ivana Alawi, binahagi ang katangian ng kanyang ideal man

Ako po ay naging kargador sa palengke, pumasok sa pagawaan ng chopsticks, nagtatanim ng palay tuwing sabado at linggo, nangalakal ng mga plastic bote, naging taga igib ng tubig ng kapitbahay, nagbebenta ng murang dahon ng sampalok, kangkong sa palengke at nagtitinda ng ice candy.
Sobrang hirap po ng dinanas ko para po ako ay makatapos ng pag aaral dahil din po sa medyo ako ay may angkin na talino naging scholar po ako ng CHED noong ako ay College sa Central Luzon State University.
Ngayon po ay masasabi ko na ako ay isa ng matagumpay dahil ako po ay isa ng Principal III sa Marilao, Bulacan.
May maliit na business na Nail Spa at nag-uumpisa sa business na patahian ng mga bedsheet at kurtina.
Matagumpay na po ako sa pamilya at ang akin pong kabiyak ay isa rin pong Principal dito sa Bulacan at kami po ay parehong nakatapos na ng Doctor of Philosopy."

Read also

Dating panadero, isa na ngayong licensed Physician at registered nurse

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sadyang na nakakabilib ang mga tulad ni Dr. Alexander Cruz na nagbubunga ang mga pagsusumikap sa buhay.

Matatandaan sa naunang naiulat ng KAMI, isa ring working student ang isa na ngayong licensed physician at registered nurse.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Pumasok siya sa iba't ibang trabaho kabilang na ang pagiging isang panadero maging noong nasa kolehiyo pa lamang siya.

Gayundin ang isang lalaki na bagaman hindi na nakapag-high school ay nakatapos naman bilang abogado sa tulong ng PEPT test.

Ilan lamang ito sa mga patunay na nadadaan talaga sa sipag at diskarte ang pag-abot ng pangarap gaano man ito ka-imposible sa paningin ng iba.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica