Lola na biktima ng "trolley attack" sa California, idinetalye ang pangyayari
- Isang lola sa California ang nag-detalye ng kanyang naranasan sa San Diego trolley noong Pebrero
- Aminado siya na sa tuwing naaalala niya ang insidente, naiiyak talaga siya
- Nagulat na lamang siya nang bigla siyang suntukin sa ulo ng isa ring pasahero ng trolley
- Nagisisgaw siya ng tulong at mabuti na lamang at may mga nagmalasakit na hawakan ang suspek hanggang sa makarating ang mga pulis
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
"'Pag naaalala ko, napapaiyak ako!" ang pahayag ng isang Pinay na senior citizen na biktima umano ng trolley attack sa California.
Nalaman ng KAMI na noon pang Pebrero 8 naganap ang pananakit ng kapwa niya pasahero sa trolley sa kanya na labis niyang ikinagulat.
Ayon pa sa panayam ng ABC10 News sa "lola", sinabi nitong inakala niyang lilipat na ng ibang trolley ang lalaki nang bigla siya nitong lapitan at suntukin sa ulo.
Nagsisigaw na siya para humingi ng tulong at sa sobrang takot, inakala niyang iyon na ang kanyang katapusan.
Tinangka pa siya umanong kaladkarin ng lalaki ngunit may mga nagmalasakit na tumulong sa kanya na mahawakan ang lalaki at matigil na ang pananakit.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Hawak ng mga nakasaksi ang suspek hanggang sa makarating ang mga pulis.
Laking pasalamat na lamang daw ni lola na buhay pa siya sa kabila ng nakakatakot na pangyayari.
Agad namang naaresto ang suspek na si James Winslow na mahaharap sa kasong assault with a deadly weapon with elder abuse enhancement.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tila nadadalas na umano sa Amerika ang pag-atake ng walang dahilan sa mga Asian partikular na sa mga may edad na.
Kamakailan, isang kababayan nating 64-anyos ang nalaslasan ng mukha sa subway train sa New York. Ang masaklap pa sa nangyari, wala raw agad na tumulong sa kanya.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Hindi rin nalalayo rito ang sinapit ng isang Pinay na may edad na nasa 80-anyos na biglaan ding inatake ng isang lalake sa San Diego, California.
Naniniwala si Joann Fields, ang Filipino Resource Center Director sa Amerika na naging madalas ang mga pag-atake sa mga Asyano sa Amerika mula nang magsimula ang pandemya. Pinaniniwalaang tila nasisisi ang mga walang malay na Asyano dahil nagsimula umano ang COVID-19 sa China.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh