Pinay na senior citizen, biktima ng di malamang pananakit ng ilang grupo sa Amerika

Pinay na senior citizen, biktima ng di malamang pananakit ng ilang grupo sa Amerika

- Isang Pinay na ang edad ay nasa 80-anyos na ang bigla na lamang inatake umano ng isang lalake sa Amerika

- Bigla na lamang pinagsusuntok ang kaawa-awang Pinay sa isang trolley sa San DIego, California

- Hindi ito ang unang beses na may nabiktimang Pilipino o mga Asian sa Amerika na bigla na lamang sinasaktan

- Sinasabing ang isang rason umano nito ay ang COVID-19 na pinaniniwalaang nagmula sa China na bahagi ng Asya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tila nagiging trend na umano sa iba't ibang bahagi ng Amerika ang umano'y pananakit sa mga Asian na nadadalas nang mangyari kamakailan.

Sa ulat ng ABC 10 News, isang senior citizen na may edad 80-anyos ang bigla na lamang umanong inatake ng di pa nakikilalang lalake.

Nalaman ng KAMI na naganap ito sa trolley ng San Diego, California at bigla na lamang pinagsasapak ang walang kalaban-laban na lola.

Read also

Jericho Rosales, ibinahagi ang video ng asawang si Kim Jones

Pinay na senior citizen, biktima ng di malamang pananakit ng ilang grupo sa Amerika
Photo from Flickr
Source: UGC

Ayon sa mga saksi, mabilis ang pangyayari at hindi rin nila malaman kung bakit ito nagawa ng lalake.

Agad naman nai-report sa pulisya ang pangyayari at nadala rin sa pagamutan ang Pinay kung saan nalapatan siya ng lunas.

Labis naman nang nababahala si Joann Fields, ang Filipino Resource Center Director sa halos sunod-sunod na pag-atake sa mga Pinoy o iba pang mga Asyano na naninirahan sa Amerika.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sinasabing naging palasak lamang ang gawaing ito mula nang magkaroon ng pandemya kung saan pinaniniwalaang nagmula ang COVID-19 sa China na bahagi ng Asya.

"The previous president, calling the coronavirus the Chinese virus and that just amplify it and I believe just hate towards our community," paliwanag ni Fields.

Isa rin sa mga nabiktima ay ang 84-anyos na umano'y Thailand national na naglalakad lamang nang sunggaban ito ng di nakilalang lalaki dahilan para siya ay matumba. Sa tindi ng tama ng kanyang ulo sa pagkakabagsak, nasawi ito.

Read also

Mag-asawang 77 taong nagsama, magkasunod na pumanaw dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang nito lamang isang linggo. isang 64-anyos na Pinoy ang nalaslasan ng mukha sa New York Subway train. Ang nakalulungkot pa sa kanyang sinapit, wala agad tumulong sa kanya at kinailangan pa niyang makalabas ng tren para makahingi ng tulong.

Nitong nakaraang taong 2020, isang pamilyang Pinoy ang nagawang insultuhin umano ng lalaking nakasabay nilang kumain sa isang restaurant.

Napag-alamang isa pa lang CEO ng IT company ang lalaki na nag-resign nang wala sa oras dala ng kahihiyan sa kanyang nagawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica