Pinoy na nilaslasan ng mukha, di tinulungan ng mga kapwa pasahero ng NY subway train

Pinoy na nilaslasan ng mukha, di tinulungan ng mga kapwa pasahero ng NY subway train

- Isang 61-anyos na Pinoy sa New York ang walang awang nilaslas ang mukha ng nakasakay niya sa subway train

- Sinisipa umano ng katabi niya sa tren ang kanyang bag at nang ito ay kanyang sitahin, doon daw nito nilabas ang box cutter

- Inakala pa ni Noel na sinapak siya ng lalaki kaya laking gulat niya nang makita ang labis na dugo sa kanyang mukha

- Walang tumulong sa kanya sa mga kapwa pasahero, at lumapit pa siya sa isang subway attendant na siyang tumawag ng 911 na nagdala sa kanya sa pagamutan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kalunos-lunos ang sinapit ng kababayan nating si Noel Quintana sa subway train sa New York nang bigla na lamang umanong laslasin ng isang lalaki ang kanyang mukha.

Nalaman ng KAMI na ang 61-anyos na Pinoy ay nananahimik lamang sa subway train nang biglang pagsisipain ng nakatabing lalaki ang kanyang bag.

Nag-viral na ale dahil sa pangungutya sa mga miyembro ng LGBT, kinasuhan na

Ayon sa ulat ng GMA News, sinita ni Noel ang lalaki. At di nagtagal, naglabas umano agad ito ng box cutter.

Pinoy na nilaslas ang mukha, di umano tinulungan ng mga kasakay sa train sa NY

Photo from Noel Quintana
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Inakala pa raw ni Noel na sinapak siya nito subalit laking gulat niya nang makita ang dugo mula sa kanyang mukha.

Ang masaklap, wala ni isang tumulong sa kanya. Sa paglabas sa tren, agad siyang lumapit sa isang subway attendant na siyang tumawag ng 911.

Nadala naman si Noel sa pinakamalapit na ospital kung saan nagtamo siya ng nasa isang daang tahi sa mukha dahil sa nangyari.

Samantala, pinaghahanap na ang salarin na nakunan pa ng CCTV ang paglabas ng tren na parang wala umanong nangyari.

Kwento pa ni Noel, hindi ito ang unang pagkakataong may hindi magandang nangyari sa kanya sa subway train. Dalawang taon na ang nakararaan nang bigla rin siyang sapakin ng kasakay sa tren.

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak

Dahito dito, masasabi raw niyang hindi talaga ligtas ang pagsakay sa subway doon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Nitong nakaraang taong 2020, isang pamilyang Pinoy ang nagawang insultuhin umano ng lalaking nakasabay nilang kumain sa isang restaurant.

Napag-alamang isa pa lang CEO ng IT company ang lalaki na nag-resign nang wala sa oras dala ng kahihiyan sa kanyang nagawa.

Matatandaang ipinagtanggol pa ng waitress ng restaurant ang mga Pinoy ay ito pa mismo ang nagpaalis sa lalaki gayung kitang-kita ang pambabastos nito sa ibang panauhin dahil lamang sa iba ang kanilang nasyunalidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel