Nag-viral na ale dahil sa pangungutya sa mga miyembro ng LGBT, kinasuhan na

Nag-viral na ale dahil sa pangungutya sa mga miyembro ng LGBT, kinasuhan na

- Tuluyan nang sinampahan ng kaso si "Aling Susan", ang ale na walang awang nangungutya sa sinumang makita niyang miyembro ng LGBT community

- Matatandang umalma ang isa sa mga palagiang iniinsulto ni Aling Susan na si Alexis dahil sa nakuha pa raw siya nitong batuhin

- Isang beses lamang umano dumalo ng hearing sa barangay ang matanda at humingi naman ito ng tawad sa kanyang ginawa

- Subalit nang mapadaan muli si Alexis sa lugar nina Aling Susan, muli na naman siyang kinutya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinampahan na ng kaso ang nag-viral na ale na si Aling Susan dahil sa pangungutya niya umano sa sinumang miyembro ng LGBT community na kanyang makikita.

Nalaman ng KAMI na noong nakaraang taong 2020, humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang isa sa mga nabiktima ni Aling Susan na si Alexis Garcia.

Read also

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak

Kwento ni Alexis, dumaraan lamang sila ng kanyang partner sa harap ng bahay nina Aling Susan nang sabihan siya nito ng masasakit na salita bilang siya ay isang transgender woman.

Nag-viral na ale dahil sa pangungutya sa mga miyembro ngLGBT, kinasuhan na
Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ang masaklap pa sa nangyari, nakunan pa ni Alexis ang pambabatong nagawa sa kanya ng matanda.

Hindi rin daw ito ang unang pagkakataong kinutya siya umano ng matanda na sa pantaha niya ay tumagal na ng nasa sampung taon.

Ayon pa sa Chairman ng kanilang barangay na si Lupon Al Lim ng Mayamot, Antipolo City, nagulat siya nang dumagsa ang iba pa umanong mga nabiktima ni Aling Susan na pawang mga miyembro ng LGBT.

Isa pa nga sa mga ito ay crew ng fast food chain kung saan kahit nasa restaurant ay nasabihan pa rin ni Aling Susan na "pupunta ito sa impyerno" dahil sa hindi ito tunay na babae.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Read also

Misis, inaalagaan pa rin ang asawa na may leukemia kahit hiwalay na sila

Samantala, nagpakita naman ang pamilya ni Aling Susan ng ilan umanong katibayan na mayroon daw itong bipolar disorder. Sila na rin ang humingi ng tawad sa nagawa ng kaanak.

Isang beses lamang nakadalo ng hearing ng barangay ang matanda at nagawa naman daw nitong humingi ng paumanhin kay Alexis sa nagawa niyang pang-iinsulto.

Subalit nang muling mapadaan sina Alexis sa lugar ni Aling Susan, naulit na naman ang pangungutya nito.

Kaya naman sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo, tuluyan nang sinampahan ni Alexis ng kaso si aling Susan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Viral na delivery rider at nakaalitan niyang customer, nagkaayos na

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Matatandaang si Tulfo mismo ang nagsabi na nararapat lamang na kasuhan si Aling Susan nang makita niya ang video kung paano nito hamakin si Alexis na wala naman umanong ginagawa sa matanda.

Patunay lamang na sinuman ang naaapi ay nagagawang tulungan ng programa ni Tulfo basta't ito'y sa tama at patas na pamamaraan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica