Raffy Tulfo, ibinahagi ang bonding moments nila ni Mommy Caring

Raffy Tulfo, ibinahagi ang bonding moments nila ni Mommy Caring

- Ibinahagi ni Raffy Tulfo ang pagbisita niya sa kanyang 95-anyos na ina na si Mommy Caring

- Dinadalhan niya ito mga masasarap na pagkain lalong-lalo na ang mga prutas at gulay

- Sa unang pagkakataon din, ipinakilala na ni Tulfo kay Mommy Caring ang apo sa tuhod na nito na si Baby Grayson

- Inalala rin ni Tulfo ang kwento ng ina sa pagiging mapagbigay nito na siyang minana nilang magkakapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ipinakita ni Raffy Tulfo ang pagbisita nilang buong mag-anak sa kanyang Mommy Caring.

Si Mommy Caring ang 95-anyos na ina ng "Idol Raffy" ng bayan. Kasama ni Tulfo ang buong pamilya niya sa pagbisita sa kanyang ito.

Ibinahagi niya kung ano ang madalas na dala nila sa pagbisita sa ina tulad ng bigas, mga luluting masasarap na ulam gayundin ang prutas at gulay.

Read also

Carla Abellana inaming hindi sila parating sweet ni Tom Rodriguez

Raffy Tulfo, ibinahagi ang bonding moments nila ng kanyang Mommy Caring
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sa unang pagkakataon din, ipinakilala na ni Mommy Caring ang apo niya sa tuhod na si Baby Grayson, ang anak nina Atty. Garreth Tungol at anak ni Tulfo na si Maricel.

Bagaman at malabo na raw ang paningin ng ina, mababakas pa rin ang kasiyahan nito nang mahawakan at maaninag si Baby Grayson.

Inalala rin ni Tulfo ang madalas na maikwento ng ina na noo'y anak ng may-ari ng isang general merchandise.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pumupuslit umano ito ng mga gamit sa paaralan sa kanilang tindahan na siyang ipamimigay niya sa mga kaklase niyang kapos-palad.

Doon daw namana ng mga Tulfo brothers ang pagmamalasakit at pagbibigay nila sa kapwang labis na nangangailangan.

Narito ang kabuuan ng masayang bonding moments ng pamilya ni Tulfo sa ina niyang si Mommy Caridad mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

Read also

Love story ng delivery rider at anak ng kanyang suki, nag-viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan ay ibinahagi rin ni Tulfo ang ipinagagawa niyang mga bahay na inaasahang matatapos ngayong taon at sa taong 2022.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel