Raffy Tulfo, ipinasilip ang taping ng pinakabago niyang programa na 'Wanted ang Serye'

Raffy Tulfo, ipinasilip ang taping ng pinakabago niyang programa na 'Wanted ang Serye'

- Ipinasilip ng "Raffy Tulfo in Action" ang taping ng pinakabago niyang programa na 'Wanted ang Serye'

- Ito ay hango sa mga reklamo sa programa ni Tulfo na 'Wanted sa Radyo'

- Mula sa mga dating reklamo na nagpaluha, nagpatawa at minsa'y nagpapainit din ng ulo ng mga tagasubaybay ay magiging isa na itong teleserye

- Isa ito sa mga pakaaabangang programa sa pagbubukas ng bagong taon 2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakita mismo ni Raffy Tulfo ang taping ng kanyang pinakabagong programa ang 'Wanted ang Serye: Mga Kwento sa likod ng Reklamo."

Nalaman ng KAMI na sa pamagat pa lang nito, sinasabing ito ay hango sa mga naging reklamo na idinulog sa programang Wanted sa Radyo ni Tulfo.

Tiyak na pakakaabangan ang bagong palabas na ito ni 'Idol Raffy' lalo na at isasadula ang mga kwentong minsan nang nagpatawa, nagpaluha at nagpainit din ng mga ulo ng tagasubaybay ng Wanted sa Radyo.

Read also

Anak ng OFW, humingi ng tulong para mapauwi ang minamaltratong ina na nasa Saudi

Raffy Tulfo, ipinasilip ang taping ng pinakabago niyang programa na 'Wanted ang Serye'
Raffy Tulfo Photo from @raffytulfoinaction
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Muling kinakapanayam ni Tulfo ang mga taong humingi ng tulong sa kanyang programa lalo na iyong mga kwentong tumatak na sa publiko.

Sa ganitong paraan, nakukumusta na rin niya ang kalagayan ng mga taong minsan na niyang natulungan.

"Ito ang show na hindi masasayang ang inyong oras kapag pinanood niyo kasi piling-pili iyong mga istorya," ani Tulfo.

"Bukod sa ma-entertain na kayo, mayroon pa kayong matututunan," dagdag pa niya.

"Ito yung the best of the best ng Idol in Action or should I say RTIA," ang pahayag ni Tulfo tungkol sa karagdagang show niya sa pagpasok ng taong 2021.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Read also

Pasyenteng nagpositibo sa COVID-19, kumpirmadong galing sa United Kingdom

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Karamihan sa kanyang mga programa ay pawang nakatutok sa pagtulong sa mga kababayan nating inaapi at naghihikashos sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel