Buknoy Glamurrr, may parinig din kasunod ng patutsada ni Awra Briguela

Buknoy Glamurrr, may parinig din kasunod ng patutsada ni Awra Briguela

- Matapos mag-trending ni Awra Briguela sa kanyang patutsada sa social media, may parinig din si Buknoy Glamurrr

- Kagaya sa ginawa ni Awra, hindi din pinangalanan ni Buknoy kung kanino patungkol ang kanyang mensahe

- Aniya, hindi niya pinangarap na maging ka-level niya ang kanyang pinaparinggan

- Tinawag niya ring dirty ang taong ito at sana daw ay malaman iyon ng mga tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang makahulugang patutsada ni Awra Briguela sa social media, hindi nagpahuli si Buknoy Glamurrr at nagbahagi din siya ng pahayag.

Wala din itong binanggit na pangalan ngunit ang kanyang patutsada ay patungkol sa umano'y hindi niya paghangad na maging ka-level ang taong kanyang tinutukoy.

Buknoy Glamurrr, may parinig din kasunod ng patutsada ni Awra Briguela

Buknoy Glamurrr (officiallybuknoy)
Source: Instagram

Tinawag niya ring "dirty person" ang pinaparinggan at sana daw ay makita ito ng mga tao. Hindi naman sumasagot si Buknoy sa mga pambabatikos ng mga netizen sa kanya na ikinukumpara sila ni Awra Briguela.

Awra Briguela, trending dahil sa kanyang "You’re not on my level" post
Don’t worry. I never wished to be in ur level honey ur such a dirty person,wishing that ppl would know that.

Buknoy Glamurrr, may parinig din kasunod ng patutsada ni Awra Briguela

Buknoy Glamurrr (officiallybuknoy)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nag-trending sa social media sina Buknoy at Awra kasunod ng ibinahaging statement ng talent management ni Buknoy na Star Image Artist Management kung saan ikinukumpara nito ang BL series na 'Alter' na pinagbibidahan ni Buknoy sa iWant series na 'Mga Batang Poz na pinagbibidahan naman ni Awra.

Sa nasabing pahayag, pinaliwanag ng Star Image na hiningi nila ang pahintulot ng magulang ni Buknoy dahil siya ay 16 taon pa lamang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Buknoy Glamurrr ay isang YouTube content creator na nakilala matapos ang kanyang kontrobersiyal na vlog kung saan tila hinahamak niya ang isang tricycle driver. Ginawa niya itong halimbawa para sa mga kabataan para mag-aral para umano hindi magaya sa mga ito.

Mag-inang Julia at Marjorie Barretto, kumasa sa lie detector challenge

Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsasagutan nina Awra at Buknoy noong nakaaraan. Maging ang social media artist na si Xander Ford ay nadawit sa gulo nang kampihan niya si Buknoy. Kinalaunan ay humingi ng dispensa si Buknoy matapos makatanggap ng matinding mga pamba-bash.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel