Awra Briguela, trending dahil sa kanyang "You’re not on my level" post

Awra Briguela, trending dahil sa kanyang "You’re not on my level" post

- Trending si Awra Briguela kasunod ng kanyang social media post tungkol sa hindi pinangalanang tao

- Base sa kanyang mensahe, ito ay patungkol sa pagkukumpara sa kanya at sa taong ito

- Dagdag pa ni Awra, hindi sila magka level at hindi kailanman sila magiging magka-level

- Ang kanyang patutsadang ito ay kanyang ibinahagi kasunod ng pagkukumpara ng Star Image Artist Management sa BL series ni Buknoy Glamurrr sa pelikula ni Awra na Batang Poz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Trending ang pangalan ni Awra Briguela sa social media kasunod ng kanyang patutsada kaugnay sa pagkukumpara sa kanya sa isang hindi pinapangalanang tao.

Bago pa man niya ibinahagi ang kanyang mensahe sa social media, nagbahagi ng isang pahayag ang Star Image Artist Management na nagkukumpara sa BL series ni Buknoy Glamurrr na pinamagatang 'Alter' sa iWant series na 'Mga Batang Poz' na pinagbibidahan naman ni Aura.

Read also

Cherie Gil, ibinahagi ng kanyang saloobin sa engagement ni Andi Eigenmann

Awra Briguela, trending dahil sa kanyang "You’re not on my level" post
Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Instagram

Ang Star Image Artist Management ang nagma-manage sa career ni Buknoy at maging ng iba pang mga online personality kagaya nina Xander Ford, Keith Talens at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Don’t compare yourself to me ever, You’re not on my level and you never will be.

Ito ang matapang na pahayag ni Aura sa isang taong hindi niya pinangalanan. Matatandaang ilang beses nang nagkasagutan sa social media ang dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos magviral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz.

Read also

Mag-inang Julia at Marjorie Barretto, kumasa sa lie detector challenge

Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsasagutan nina Awra at Buknoy noong nakaaraan. Maging ang social media artist na si Xander Ford ay nadawit sa gulo nang kampihan niya si Buknoy. Kinalaunan ay humingi ng dispensa si Buknoy matapos makatanggap ng matinding mga pamba-bash.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel