Awra Briguela, nakipagbangayan kina Xander Ford at Buknoy Glamurrr

Awra Briguela, nakipagbangayan kina Xander Ford at Buknoy Glamurrr

- Hindi inatrasan ni Awra Briguela sina Buknoy Galmurrr at Xander Ford na nakipagbangayan sa kanya sa social media

- Nagsimula ang bangayan nang punahin ni Awra ang ginawa ng kontrobersiyal na vlogger na si Buknoy

- Kaugnay ito sa viral na video na ibinahagi ni Buknoy kung saan makikita siyang walang suot na face mask habang naglalakad sa lansangan

- Alinsunod sa umiiral na alituntunin, obligado ang lahat na magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpatinag si Awra Briguela sa mga banat nina Buknoy Glamurrr at Xander Ford sa social media.

Ito ay matapos punahin ni Awra si Buknoy tungkol sa isang video na ibinahagi nito na makikita siyang naglalakad sa lansangan nang walang suot na face mask.

“SANA ALL NAKAKALABAS NG WALANG FACEMASK, SANA ALL NASUNOD SA PROTOCOL AT SANA ALL WALANG CURFEW YUNG LUGAR,” ani Awra sa isang tweet.

Matatandaang ipatutupad na ng pamahalaan ang mandatory na pagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay ang mga residente na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus disease 2019.

Awra Briguela, nakipagbangayan kina Xander Ford at Buknoy Glamurrr

Photo by Ezra Acayan/Getty Images
Source: Getty Images

Burado na ang nasabing video ngunit marami sa mga netizens ang nakakuha ng kopya ng kontrobersiyal na video.

Ibinahagi ni Xander ang litrato nilang dalawa ni Buknoy na may suot na face shield at face mask. Kalakip ng litratong ito, may pasaring si Xander, "Oh ayan naka FaceMask na baka issue pa."

Tugon naman ni Awra, “ANG GOALS NG FRIENDSHIP NYO."

Isang hindi pinangalanang influencer naman ang tinira ni Buknoy. Aniya, imbes na personal message, pinili nitong siraan siya sa publiko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi ito inurungan ni Awra at diretsahang sinagot.

Hirit naman ni Xander, may mailalabas siya laban kay Awra. “Gusto nyo mag labas ako ng Convo ng Idol nyo??”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sina Buknoy at Xander ay parehas na nasa Star Image Artist Management.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Buknoy nitong Hunyo kaugnay sa kanyang pahayag laban sa mga tricycle drivers sa kanyang vlog.

Pinatawan naman ng indefinite suspension ng kanyang talent agency si Xander bunsod ng kinakaharap nitong kaso ng pang-aabuso sa kanyang ex-girlfriend.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel