Awra Briguela at Buknoy Glamurrr, muling nagkasagutan sa Twitter

Awra Briguela at Buknoy Glamurrr, muling nagkasagutan sa Twitter

- Muling nagkasagutan sina Awra Briguela at vlogger na si Buknoy Glamurrr sa Twitter

- Ito ay matapos punahin ni Buknoy ang umano'y pagkakamalaing nagawa ni Awra kaugnay sa mga pinapatupad na safety protocols

- Dipensa ni Awra, nasa pribado silang lugar at may mga suot na face mask ang kanyang mga kasama sa nasabing video

- Matatandaang nagkasagutan din ang dalawa nang punahin ni Awra ang ginawang paglabag umano ni Buknoy sa protocol

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging mainit ang sagutan nina Awra Briguela at vlogger na si Buknoy Glamurrr sa Twitter. Ito ay matapos punahin ni Buknoy si Awra hinggil sa umano'y paglabag nito sa mga pinapatupad na protocols upang mapanatiling ligtas sa panganib na dulot ng COVID.

"Ate @AwraBriguelaaa, kala ko ba? Pero baka na-bored ka lang sa bahay nyo at namiss ang friends mo kaya may ganap na ganyan. I hope you are all safe kaya di ka na nagface mask at walang social distancing. Namiss ko tuloy mag-videoke at swimming!" ani Buknoy.

Hindi ito pinalampas ni Awra at sinagot ang vlogger.

"Beh! First of all nasa PRIVATE PLACE KAME! and wala kame sa labas! Second nakita nyo sa video naka FACE MASK/FACE SHIELD yung iba!! and hindi kame lalagpas sa 10! And last maaga pa. WALANG CURFEW! " paliwanag naman ni Awra.

Awra Briguela at Buknoy Glamurrr, muling nagkasagutan sa Twitter

Awra Briguela Instagram Account
Source: Instagram

Hindi pa din natapos ang kanilang bagayan matapos sumagot si Buknoy at sinabing defensive umano si Awra.

"Oops Ate @AwraBriguelaaa teka lang, don’t be too defensive. Ang ganda ng tweet ko kaya. May stay safe pa sa huli. Gabing gabi na nung videoke nyo ate. Dilim na nyan oh! At parang wala namang face shield ako nakita. Wag ka na magalit. Mwaah" ani Buknoy.

Dito na tila napikon si Awra at tinanong si Buknoy kung bakit ito nagsisimula ng gulo gayong nagpaalam na umano itong mag sign off kamakailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"@buknoyglamurrrr akala ko ba? SIGNING OFF KANA? bakit nag uumpisa ka nanaman?" yamot na tanong ni Awra.

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos magviral siya sa social media. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng magagandang oportunidad sa pag-aartista.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsasagutan nina Awra at Buknoy noong nakaaraan.

Maging ang social media artist na si Xander Ford ay nadawit sa gulo nang kampihan niya si Bukony.

Kinalaunan ay humingi ng dispensa si Buknoy matapos makatanggap ng matinding mga pamba-bash.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel