Love story ng delivery rider at anak ng kanyang suki, nag-viral

Love story ng delivery rider at anak ng kanyang suki, nag-viral

- Viral ang love story ng delivery rider na si Marlon Cajucom at si Jhasin May Benito na anak ng kanyang suking customer

- Nagsimula lamang ang kanilang love story noong Oktubre 2020 nang humanga ang ina ni Jhasin sa kasipagan ni Marlon

- Hindi naman daw sukat akalain ni Marlon na irereto ng regular customer ang anak nitong si Jhasin sa kanya

- Makalipas lamang ang buwang pagkakamabutihan, ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib sa Pangasinan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang nakakakilig na love story ng delivery rider ng Lazada na si Marlon Cajucom at ni Jhasin May Benito na anak ng kanyang regular customer.

Nalaman ng KAMI na suki ni Marlon ang ina ni Jhasin. Nagsimula raw umano ang lahat nang mag-deliver si Marlon sa ina ni Jhasin na si Grace kahit paggabi na.

Dating single mom, nakahanap ng "forever" sa isang socmed group

Napabilib daw si Grace at tinanong si Marlon kung may pamilya na raw ba itong binubuhay at ganoon na lamang ang kanyang kasipagan.

Love story ng delivery rider at anak ng kanyang suki, nagpakilig sa marami

Photo from Rommel Aguilar
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"One time nakapag-deliver po ako sa kanila, late na. Nagulat sila, nagtataka sila na late na nagde-deliver pa ako noong time na yun. Natanong ako ni Mama Grace kung may asawa na ako, sabi ko wala pa po. Bakit daw ang sipag sipag ko eh wala pa naman daw ako binubuhay. Ang sagot ko po noong time na yun kasama ko po sa pangarap yung magpursige buhay," kwento ni Marlon.

Hindi raw akalain ni Marlon na papansinin din siya ni Jhasin. Nilarawan niya itong maganda, at hindi sanay magtrabaho. Subalit laking gulat niya nang malamang sobrang bait nito at madali niya itong nakapalagayan ng loob.

"Actually yun po talagang nasa isip ko na hindi ako papansinin nito sabi ko kasi maganda, mukhang hindi sanay magtrabaho, nagulat din ako na napakabait din niya napakaapproachable naman po madaling lapitan madaling kausapin" dagdag pa ng delivery rider.

Raffy Tulfo, ibinahagi ang bonding moments nila ni Mommy Caring

At nito lamang Enero 26, ginanap ang pag-iisang dibdib nina Jhasin at Marlon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Buhat nang magsimula ang pandemya, iba't ibang kwento ng delivery riders ang nag-viral na naghatid ng iba't ibang reaksyon sa mga netizens.

Kung kinilig ang marami sa kwento nina Marlon at Jhasin, marami naman ang humanga sa kasipagan ng isang delivery rider na nakunan ng larawang kumakain na lamang sa gilid ng kalsada.

Maraming netizens naman ang naawa sa mga food delivery riders na nakaranas ng panloloko sa prank na ginagawa sa kanila ng ilang walang pusong nagpapanggap na customers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel