16 na delivery rider, nabiktima ng mga fake order sa Maynila

16 na delivery rider, nabiktima ng mga fake order sa Maynila

- Umabot ng nasa 16 na mga food delivery riders ang nabiktima ng fake booking sa Paco, Maynila

- Ayon sa nakatira sa address na nagamit sa fake order, sunod-sunod na dumating ang mga riders bandang alas tres ng hapon

- Ang nakapanlulumo pa sa nangyari, tinatayang nasa P1,700-P1,900 ang order sa bawat rider

- Ang ilan ay binili ng ng may-ari ng address at ang iba ay naibenta naman sa kanilang mga kapitbahay bilang tulong na rin sa mga kaawa-awang riders

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang netizen ang nakapanlulumong nangyari sa 16 na mga food delivery riders kung saan nabiktima umano ang mga ito ng fake booking.

Nalaman ng KAMI na ikinuwento ng may-ari ng nagamit na address na si Rome Vladimir Agito Cuevas ang pangyayari noong Disyembre 15 kung saan sunod-sunod na nagsidatingan ang mga food delivery riders sa kanila.

Read also

Luis Manzano, nilinaw na engagement shoot ang naganap sa Amanpulo

Laking gulat nina Rome nang magsidatingan ang mga riders bandang alas tres sa kanilang tahanan sa Paco, Manila.

16 na delivery riders, nabiktima ng fake order sa Maynila
Delivery rider Photo from Depositphotos
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masaklap pa rito, umabot sa P1,700 hanggang P1,900 ang bawat order sa kada isang rider.

Kwento pa ni Rome, hindi naman namilit ang mga rider sa kanila lalo na at sa kanila ang address. Ang iba, nakiusap lang na bilhin na lamang ang kanilang mga dalang pagkain.

Bilang tulong at dala na rin ng awa sa sinapit ng mga delivery riders, binili nina Rome ang ilan sa mga pagkain habang ang kanila ring mga kapitbahay ay bumili na rin.

Hiling ni Rome na itigil na sana ng mga nagpa-prank ang kanilang panloloko lalo na sa mga taong marangal na naghahanapbuhay lalo na at papalapit na ang kapaskuhan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang pangako ni Luis sa kanya apat na taon na ang nakaraan

Nito lamang Oktubre, ilang delivery riders sa Las Piñas ang nabiktima rin ng fake order. Tulad ng nangyari kina Rome, tinatayang nasa P800 hanggang P1,900 din ang halaga ng mga na-order sa mga nanlulumong rider.

Ganoon din ang nangyari sa 10 riders sa Las Piñas City pa rin noong Setyembre. Ayon sa kwento ng mga riders, paiba-iba umano ang contact number ng nag-order kaya naman doon na sila nagduda.

Pakiusap ng marami na itigil na sana ng mga manloloko ang mga gawaing ito dahil malaki ang nagiging epekto nito sa kita ng mga delivery riders na mayroong mga pamilyang binubuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel