Delivery rider na kumakain lamang sa gilid ng kalsada, umantig sa puso ng netizens

Delivery rider na kumakain lamang sa gilid ng kalsada, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang larawan ng isang delivery rider na namataang kumakain lamang sa gilid ng kalsada

- Mapapansin ang gutom ang pagod ng rider na hindi alintana ang lugar kung saan siya kumakain

- Humanga ang netizen na nakakita at nakakuha ng larawan ng delivery rider dahil sa kasipagan nito at dedikasyon sa trabaho

- Habang ang ilan ay nag-aalala naman sa kalusugan ng rider, namutawi pa rin ang pagmamalasakit nila rito na sana'y makakain ito sa mas maayos na lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Delivery rider na kumakain lamang sa gilid ng kalsada, umantig sa puso ng netizens

Food Panda rider (Photo from Joshua Flores Dispe's Facebook)
Source: Facebook

Agaw pansin sa social media ang post ng netizen na si Joshua Flores Dispe kung saan nakunan niya umano ng larawan ang isang delivery rider na kumakain.

Nalaman ng KAMI na kaya naman ito kapansin-pansin ay dahil sa nasa gilid lamang ito ng kalsada kumakain habang nakahinto ang kanyang bisikletang gamit sa pagde-deliver.

Pusang nag-ala baby-sitter, kinagiliwan ng netizens

Kitang-kita ang labis na pagkagutom at pagod ng lalaki na di na alintana sa kanya ang lugar kung saan siyang nakunang kumakain.

Humanga raw si Joshua sa rider na marahil, nalipasan na halos ng gutom sa pagtatrabaho.

Dagdag pagod din ang mag-pedal ng kanyang bisikleta kumpara sa iba na mga naka-motorsiklo.

Samantala, maging ang mga netizens ay naantig ang puso sa kalagayan ng rider. Nararapat lamang daw na pasalamatan ang mga tulad nito na siyang naghahatid na lamang ng ating mga pagkain at iba pang mga kailangan natin sa bahay upang mabawasan ang paglabas at pagkalat ng virus.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Gutom na gutom na siguro si kuya kaya kung saan na lang siya inabot, doon na lang siya kumain"
"Kita mo ang pagod at gutom niya o. Laban lang kuya! masuwerte ka pa rin po at may work ka ngayong pandemic."
PWD na nag-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umani ng papuri mula sa netizens
"Saludo po ako sa lahat ng tulad mo kuya, though ingat lang din kasi kalsada pa rin yan. Pero alam ko naman na maghuhugas ka o magsasanitize ka po after eating"
"Doble ingat lang po kuya, make sure to sanitize. Halata namang gutom ka na"
"Mas pagod po ang tulad niya kasi naka-bike kaya marahil sobrang gutom na siya, mas ok na rin yan kesa sa karinderya o fast food na may mga tao na nagtatanggal ng mask nila kasi kakain"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong panahon ng pandemya, ilan sa mga trabahong patok ay ang online selling at ang food delivery services.

Marami tayong narinig at nasaksihang kwento ng mga delivery riders at isa sa mga tumatak sa ating isip ay ang kwento ng rider na nagagawa pa ring umattend ng kanyang online classes.

Bride, tinakasan ng groom isang araw bago ang kanilang kasal

Kailangan daw niyang kasing rumaket habang nag-aaral kaya naman isinisingit niya ang pagdalo ng online classes habang nagdedeliver din siya ng mga pagkain.

Subalit, ilang kwento rin ang ating naulinigan na madalas ding maloko ng fake orders ang mga riders na ito, bagay na nakapanlulumo dahil nagtatrabaho naman sila ng marangal at maayos, sila pa ang naiisahan ng mga taong tila walang puso at walang magawa sa buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel