Dating single mom, nakahanap ng "forever" sa isang socmed group

Dating single mom, nakahanap ng "forever" sa isang socmed group

- Ibinahagi ng isang dating single mom ang nakakakilig niyang kwento kung paano niya nakilala ang kanya na ngayong mister

- 2019 lamang nang magkakilala sila sa isang social media group at agad silang nagkasundo sa di nila malamang dahilan

- Bago matapos ang taong 2020 ay napagdesisyunan nilang magpakasal sa kabila ng pandemya

- Sobrang saya ng pasok ng bagong taon sa kanila nang makumpirma nilang magkakaroon na sila ng baby

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinuwento ni Marinel Baniel-Saladino ang love story ng nila ng kapwa niya miyembro ng Facebook page na Secret Pinoy Confessions.

Ibinahagi ni Marinel sa KAMI ang nakakakilig nilang kwento lalo na at pareho pa silang single parent.

Nagkakilala noong 2019 at bago matapos ang taong 2020 ay napagdesisyunan na nilang magpakasal.

Dating single mom, nakahanap ng kanyang "forever" sa isang socmed group
Photo from Marinel Baniel-Saladino
Source: UGC

Ngayon, sobrang excited na sila sa paparating sa kanilang buhay na isang supling dahil nakumpirma ni Marinel na siya'y nagdadalang-tao na.

Read also

Love story ng delivery rider at anak ng kanyang suki, nag-viral

Narito ang kabuuan ng salaysay ni Marinel:

"Hi mga ka-spc share ko lang po 'yung naging journey naming mag asawa. Noong July 2019 nang una kaming magkakilala ni husband dito sa spc groups. May group chat kami na sinalihan na puro member din ng spc (qc chapter spc) ang name AUG 4 2019.

Bilis! isang buwan lang ng ligaw sinagot ko na, doon naman papunta. Single parent ako habang siya naman ay may anak din pero nasa puder ng nanay nito. 'Di rin natitigil ang sustento niya doon sa anak niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Yung anak ko naman, tinanggap niya ng buong-buo. Siya din ang kusang nagsabi na magpapakilala na siya sa pamilya ko tapos pinakilala niya din ako sa pamilya niya.

After 1 year naming magkarelasyon, bigla siyang nagpropose sakin na mag pakasal na daw kami.

Read also

Heart Evangelista, nais tulungan ang lalaking nanlimos matapos mawalan ng trabaho

Nag-oo naman ako kasi mahal ko, sabi ko kahit saan naman tayo ikasal walang problema.

At ikinasal na nga kami noong December 19, 2020. Civil wedding tapos close friends and family lang ang imbitado dahil din sa pandemya.

Kahapon lang nag-pregnancy test ako kasi delay na ako ng 1 week.

Nag-positive! Ang saya lang kasi ang ganda ng pasok saming mag asawa ngayong 2021. Tapos nabuo talaga si baby kung kailan legal na kami ng daddy niya.

Ps. Thank you po sa group na ito kasi dito ko nakilala ang makakasama ko habang buhay"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong panahon ng pandemya, marami pa ring magkasintahan ang pinili pa ring ituloy ang kanilang pag-iisang dibdib patunay na walang anumang makapipigil sa kanilang pagmamahalan.

Mayroon pa nga na matapos na gumaling sa COVID-19, ay tinuloy na agad nila ang matagal nang inaasam na pag-iisang dibdib.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica