BF na nag-propose sa GF na nurse nang maka-recover sa COVID-19, ikinasal na

BF na nag-propose sa GF na nurse nang maka-recover sa COVID-19, ikinasal na

- Ikinasal na ang nag-viral na nurse at nobyo nitong nagpropose nang sunduin siya nito sa isolation facility

- Naging napakalaking pagsubok sa kanilang pagsasama ang pagkakaroon ng COVID-19 ng nobya

- Kaya naman nang malampasan nila ito, tinodo na ng nobyo ang kasiyahan at nagpropose ng kasal sa kanyang GF

- Simple ngunit makabuluhang kasalan ang naganap sa kabila pa rin ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

BF na nagpropose sa GF na nurse nang makarecover sa COVID-19, ikinasal na

Sina Gab at Khaye (Photo from Mediarama Creatives Facebook)
Source: Facebook

Muli na namang nag-viral ang ngayo'y mag-asawa nang sina Arjanmar Rebeta o mas kilala sa tawag na Gab at nobya nitong si Khaye.

Nalaman ng KAMI na natuloy na ang kanilang kasalang matagal nang plinano ngunit dahil sa pandemya ay nagkaroon ng mga aberya.

Matatandaang si Khaye ay isang nurse na nagpositibo sa COVID-19 at nang maka-recover, doon isinagawa ni Gab ang nakakaiyak na wedding proposal para sa pinakamamahal na nobya.

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Matinding pagsubok sa pagsasama ng dalawa ang pagkakaroon ni Khaye ng virus. Subalit sa pamamagitan ng araw-araw na video call, naipadama ni Gab na hindi nag-iisa ang nobya sa laban nito sa kinatatakutang virus.

Kaya naman nang malampasan ni Khaye ang bagsik ng virus, itinodo na ni Gab ang kasiyahan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kasabwat ang mga medical frontliners na may hawak ng banner na "Papakasalan mo ba ako?", sinurpresa ni Gab si Khaye kasama rin ang ilang malalapit sa kanilang buhay upang masaksihan ang mahalagang araw na ito.

Setyembre 20 nang ibahagi ng Mediarama Creatives ang masasayang kaganapan sa kasalan ng dalawa.

Bagaman at nakasuot sila ng face mask bilang proteksyon pa rin sa COVID-19, bakas ang kasiyahan ng ngayo'y mag-asawa nang sina Gab at Khaye.

"Doon ka sa taong papakasalan ka kahit tokneneng at isaw lang ang handa. Laging magkasama, hamon man o isaw ang ulam."

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

Teaser photos of one of a kind new normal wedding. "Daig ng Pag-ibig ang Pandemic!". Salamat sa Diyos sa mga biyaya. Siya ang nagplano ng kasal na ito sa pagtatahi-tahi mga pagkakataon," ang caption ng album ng kanilang pag-iisang dibdib.

Bukod sa iilang mga bisita at saksi, agaw-eksena rin ang mga streetfood na kanilang handa.

Masasabing simple ngunit napakamakabuluhan ng kanilang pag-iisang dibdib.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad nina Gab at Khaye, tuloy din ang kasalan nina Gloriebella at Mark na ginanap pa sa Georgia. Nag-viral din ang kanilang kasalan dahil sa napakagandang winter wedding na kanilang itinuloy noong Marso, kahit nagsisimula nang lumaganap ang COVID-19.

Kakaibang eksena naman sa kasalan ang kinagiliwan ng netizens nang ang bride ay bigla na lamang na-scan ang body temperature sa pagbukas ng pinto ng simbahan. Patunay daw ito na sumusunod pa rin sila sa mga safety protocols.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel