Carla Abellana inaming hindi sila parating sweet ni Tom Rodriguez

Carla Abellana inaming hindi sila parating sweet ni Tom Rodriguez

- Inamin ni Carla Abellana na may mga pagkakataon na siya ay naiirita sa boyfriend na si Tom Rodriguez

- Ayon sa Kapuso actress, normal lang din naman iyon sa isang relasyon pero hindi parating ganoon

- Pero ibinahagi niya na hindi siya selosa at hindi nila iyon problema sa kanilang relasyon

- Nagbigay rin siya ng payo kung papaanong maiiwasan ang pagiging selosa o seloso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpakatotoo si Kapuso star Carla Abellana nang aminin na hindi sila parating sweet ng boyfriend na si Tom Rodriguez at nagiging iritable siya minsan dito.

Carla Abellana inaming hindi sila parating sweet ni Tom Rodriguez
Carla Abellana
Source: UGC

Sa kanyang YouTube vlog na na-upload noong ika-29 ng Enero, binasa at sinagot ni Carla ang ilan sa mga assumptions ng mga fans sa kanya.

Isa rito ang nagsabi na mukha raw “snob” at “moody” ang aktres. Ibinase ito ng netizen sa mga videos kung saan parang hindi pinapansin ni Carla si Tom.

Read also

Miguel Tanfelix masaya sa desisyon na hindi muna mag-loveteam

Hindi itinanggi ni Carla na may mga pagkakataong hindi niya pinapansin ang nobyo. Pero ayon sa kanya ay normal lang naman daw ito.

Naging totoo lamang ang aktres and sinabi niya na may pagkakataon na hindi rin smooth ang kanilang relasyon.

"At least nakita niyo na it's not always lovey-dovey, sweet-sweet whatever chemistry ganyan.”

Sa anim na taon at kalahati raw ng pagiging mag-nobyo nila ni Tom ay may mga sandaling nakakairita din. At humingi siya ng pasensya dahil dito.

"Nangyayari iyon and, again, I apologize for that. But it's not always like that naman."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero mayroon din namang ibinunyag na maganda si Carla tungkol sa relasyon nila, at ito ay ang tiwala. Ayon sa aktres ay hindi siya selosa na girlfriend.

"Sinasabi ko iyan sa lahat ng interviews ko whenever I get asked that question kung nagseselos ako or hindi, but really, honestly, truthfully, hindi ako selosa.

Read also

Julia Barretto, ibinahagi ang mga paboritong damit na lagi niyang ginagamit

Ibinahagi ni Carla na mahalaga na pagkatiwalaan ang iyong partner ng isang-daang porsyento. Hindi raw dapat magselos kung wala namang basehan.

Nagbigay rin siya ng payo kung papaano maiiwasan ang pagse-selos.

"Be confident in yourself, be confident that your partner loves you, loves everything about you. There's nothing that will get in between that or nobody will get in between that." sabi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Carla Abellana ay isang Pinay na aktres at modelo. Ang ilan sa mga matagumpay niyang teleserye sa GMA-7 ay “Rosalinda”, “My Husband’s Lover”, at “Love of My Life”.

Matatandaang dating isinugod si Carla sa ospital pagkatapos ng taping. Sinabi niya sa kanyang posts na may iniinda pala itong mga sakit na hindi niya binanggit. Ngunit hindi kalaunan ay ibinahagi din ng aktres ang tunay na estado ng kanyang kalusugan sa panayam sa kanya ng online show na “Just In”.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel