Miguel Tanfelix masaya sa desisyon na hindi muna mag-loveteam

Miguel Tanfelix masaya sa desisyon na hindi muna mag-loveteam

- Ibinunyag ni Miguel Tanfelix na masaya siya ngayon sa kanyang career kahit pa wala siyang ka-loveteam

- Ipinaliwanag ng Kapuso actor na may pros at cons ang pagkakaroon ng katambalan

- Sa ngayon ay mas gusto ni Miguel na mas malaya siyang nakakagalaw sa kanyang career

- Ibinunyag din ng aktor na may malaking proyekto siyang parating na dapat abangan ng mga fans

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Miguel Tanfelix ang mga magagandang dahilan kung bakit mas maganda para sa kanya ang walang ka-loveteam lang muna.

Miguel Tanfelix masaya sa desisyon na hindi muna mag-loveteam
Miguel Tanfelix (Photo credit: @migueltanfelix_)
Source: Instagram

Sa press conference ng “All-Out Sunday” para sa pagbabalik nito sa live broadcast, tinanong si Miguel ng isang reporter tungkol sa kung ano ang mga nararanasan niya ngayon na wala siyang ka-loveteam.

Ayon sa Kapuso actor, may mga pros at cons ang pagkakaroon ng ka-loveteam. Pero sa ngayon, mas mahalaga sa kanya na nararamdaman niya na mas malaya at flexible ang kanyang career. Ibinahagi rin niya na mas pinagtutuunan niya ngayon ng pansin ang self-growth.

Read also

Carla Abellana inaming hindi sila parating sweet ni Tom Rodriguez

“May kanya kanya naman pong pros and cons yun. But now I feel more free.
“I feel more flexible. Kasi ako, I’m all about self-growth. Di lang po sa personal life ko kung di na rin sa career,”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Idinagdag ng aktor na mas nakakakilos siya ngayon sa kanyang career. Sinabi rin niya na masaya siya sa naging desisyon na hindi lang muna mag-loveteam sa ngayon.

“Gusto kong makita kung ano anong kaya kong gawin.
“So, mas flexible po ako ngayon mas nakaka-move around po ako ngayon sa bawat aspeto ng showbiz.
“Kaya happy, happy rin naman po ako sa desisyon na nagawa, na ginawa ko and sa kung ano pong meron ako ngayon,” sabi ni Miguel.

Base rin sa interview ay ibinunyag ng “Kambal, Karibal” actor na may malaking proyekto siyang parating.

Read also

James Reid nabigla sa kanyang viral na ‘front cam challenge’

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Miguel Tanfelix ay isa sa mga sikat na Kapuso star ng bagong henerasyon. Dati siyang katambal ni Bianca Umali ngunit simula nang maugnay ito kay Ruru Madrid ay nabuwag na rin ang love team nina Miguel at Bianca.

Isa sa mga naging proyekto nina Miguel at Bianca ay ang “Kambal, Karibal” na nag-trending kamakailan lang sa Thailand.

Naging viral din noong unang linggo ang nakaka-kilig na mensahe ni Ruru para kay Bianca.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel