Viral na CPR scene sa ‘Kambal, Karibal’ umabot hanggang Thailand

Viral na CPR scene sa ‘Kambal, Karibal’ umabot hanggang Thailand

- Nakarating na sa Thailand ang viral CPR scene ng teleseryeng “Kambal, Karibal”

- Kahit ang mga Thai ay hindi makapaniwala sa maling pagsasagawa ng CPR sa serye

- Hindi rin naiwasang mag-komento ng mga Pinoy na hiyang-hiya sa pangyayari

- Ang “Kambal, Karibal” ay isa sa mga matagumay na teleserye ng GMA-7 noong 2017

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umabot na sa Thailand ang viral na CPR scene ng teleserye na “Kambal, Karibal” kung saan ay makikitang mali ang ginagawang pag-CPR.

Viral na CPR scene sa ‘Kambal, Karibal’ umabot hanggang Thailand

'Kambal, Karibal' (Photo credit: @GMADrama)
Source: Facebook

Kagaya ng maraming Pinoy na nakapanood at nakapansin sa nasabing scene sa Kapuso teleserye na “Kambal, Karibal”, hindi rin makapaniwala ang mga Thai sa maling pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) sa isang serye sa national TV.

Sa video, makikita na sinusubukang i-revive ng isang nurse si Geraldine, ang karakter ni Carmina Villaroel. Siya ay nasa kritikal na kondisyon matapos ma-aksidente kasama ni Allan, na ginagampanan ni Alfred Vargas.

Jolina Magdangal, ibinahagi ang sulat ng kanyang "labtim" na si Marvin Agustin

Isang Thai ang nag-tweet ng nasabing video clip at ito ang sinulat niya na caption (translated to English):

“Results of learning CPR online”

Mayroon pang netizen na nag-komento:

“What kind of CPR is that???? massaging the chest??? who teach u that CPR??”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Sa ngayon ay umabot na sa 69k ang retweet nito, 6.2k quote tweets, at 19k likes. Umabot na rin sa 1M ang views nito.

Maraming mga Pinoy ang nag-react dahil sa pag-viral ng scene na ito sa Thailand.

“Nakakatawa and nakaka-awa at the same time ang pangyayaring ito para sa industriya ng telebisyon sa Pilipinas.” may nag-comment.
“Kaya pala namatay eh. Hindi nakapasa sa basic CPR ang nurse.” sabi ng isa.
“omg GMA so embarassing :))) mas magaling pa yata school play namin nyan sa school ahh. ano bayan” dagdag ng isa.
Janella Salvador, kinantahan ang baby ng kanyang kanta sa isang TVC ng kape

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang “Kambal, Karibal” ay isa sa mga matagumpay na teleserye ng GMA-7 noong 2017. Pinagbidahan ito nina Bianca Umali, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, at Miguel Tanfelix.

Sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ay dating sikat na love team ng GMA-7. Ngunit sa ngayon nali-link si Bianca sa isa pang Kapuso actor na si Ruru Madrid.

Nitong nakaraang linggo lang ay nag-viral ang sweet message ni Ruru para sa rumored girlfriend na si Bianca. Sabi niya sa kanyang social media post ay palagi niyang nami-miss ang aktres.

Ngunit hindi lang ang “Kambal, Karibal” ang trending ngayon sa Thailand. Nakaagaw-pansin din ang pagkakahawig ni Liza Soberano sa isang Thai actor na si Luke Plowden. At naka-tag pa siya mismo sa tweet ng aktor.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel