Janella Salvador, kinantahan ang baby ng kanyang kanta sa isang TVC ng kape

Janella Salvador, kinantahan ang baby ng kanyang kanta sa isang TVC ng kape

- Kinagiliwan ng mga netizens ang video na ibinahagi ni Janella Salvador sa kanyang Instagram story

- Kinantahan niya si Baby Jude ng kanyang awitin na mula sa isang TV commercial ng ini-endorso niyang kape

- Bukod sa nakakatawa, marami pa rin ang humanga sa mala-anghel na boses ng Kapamilya actress

-Kasalukuyang nasa United Kingdom kasama si Markus Patterson na ama ng kanyang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng libo-libong views ang Instagram story ni Janella Salvador kung saan makikitang karga niya ang kanyang anak na si Baby Jude habang kinakanta ang awitin na siya mismo ang kumanta para sa isang TV commercial ng kape ng kanyang iniendorso.

Marami ang naaliw kay Janella dahil bukod sa kanyang pagiging maalagang ina ay marami pa rin ang humanga sa kanyang boses na mala-anghel.

Janella Salvador, kinantahan ang baby ng kanyang kanta sa isang TVC ng kape
Photo from Janella Salvador (@superjanella)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Vice Ganda, napa-react sa taong nang-iwan sa It's Showtime family

Narito ang ilan sa mga nakakaaliw na reaksiyon at komento ng netizens sa kanyang video:

Pag ako nagkaanak habang nagbrebreastfeed o sumususo sa bottle yung bata. Ito kakantahin ko sa kanya! Naku naku! Hinahanda na yung bata maging next endorser ng Kape. Wala ng diaper2 at gatas! Sa kape na agad haha!
Kung di kayo ganito mag-hele ng baby salamat na lang sa lahat! Coffee is supposed to wake one up but she's using it in a lullaby. The coffee-lullaby paradox lol
The number of views in just 5 hours is almost quarter a million! GRABE talaga the IMPACT of @superjanella

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng Born For You. Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo.

Read also

Pauleen Luna, ibinahagi ang nakakakilig na reaksiyon ni Vic Sotto sa kanilang kasal

Nagkatampuhan din si Janella at ang ina nito noong panahong napapabalitang si Elmo ang kanyang karelasyon.

Kamakailan ay nag-viral din ang video ni Markus kasama si Janella na sumasayaw. Ibinahagi din nila ang ilang litrato ng kanilang bonding moments.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel