Vice Ganda, napa-react sa taong nang-iwan sa "It's Showtime" family

Vice Ganda, napa-react sa taong nang-iwan sa "It's Showtime" family

- Sa isang mediacon na ginanap para sa Tawag ng Tanghalan, naitanong sa mga hosts ang kanilang reaksiyon sa naging pahayag ni Anne Curtis

- Matatandaang sinabi ni Anne na hinding-hindi niya iiwan ang kanyang "It's Showtime Family"

- Ayon kay Karylle, kahit hindi na sabihin ni Anne, halata naman dahil natural na yun sa kanilang "It's Showtime" family

- Agad naman kinontra ni Vice Ganda ang sinabi ni Karylle at ipinaalala na may umalis din naman na dati nilang kasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang tumaas ang kilay at naintriga sa naging pahayag ni Vice Ganda matapos sabihin ni Karylle na natural lang ang naging reaksiyon ni Anne nang sabihin niyang hindi niya iiwan ang It's Showtime family niya.

Dagdag pa na tanong ni Karylle, "May umaalis ba dito [sa It’s Showtime Family]? Ito na ‘yun. This is our family.

Pauleen Luna, ibinahagi ang nakakakilig na reaksiyon ni Vic Sotto sa kanilang kasal

Agad namang sumagot si Vice bilang pagtutol sa sinabing ito ng co-host. “Hoy, may umalis, K!”

Naganap ito sa mediacon ng Tawag ng Tanghalan kung saan nakapanayam ng ilang press people ang mga host ng It's Showtime.

Vice Ganda, napa-react sa taong parte noon ng It’s Showtime Family pero iniwan sila

Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman pinangalanan ni Vice kung sino ang kanyang tinutukoy. Gayunpaman, kanya-kanya ang naging hula at espekulasyon ang mga netizens tungkol sa pagkakakilanlan ng taong tinutukoy ng TV host.

Isa sa mga dating kasamahan nila ay si Billy Crawford na kasalukuyang host na rin ng isang noontime show sa TV5. Maging ang hurado sa Tawag ng Tanghalan na si K Brosas ay nasa TV 5 na rin.

Parehas naman wala sina Anne Curtis at Mariel Padilla na kapwa nag-leave dahil sa kanilang panganganak.

Isa pang taong napabalitang hindi na bahagi ng show ay ang dati nitong direktor na si Direk Bobet Vidanes.

Janella Salvador, kinantahan ang baby ng kanyang kanta sa isang TVC ng kape

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concert.

Kilala si Vice sa kanyang pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang ina. Kamakailan ay binigyan niya ng mamahaling relo ang kanyang Nanay Rosario.

Naging emosyonal din si Nanay Rosario sa inihandang sorpresa ng anak para sa pagdiriwang ng kanyang ika-75 kaarawan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel