Liza Soberano trending dahil sa 'male version' na Thai actor

Liza Soberano trending dahil sa 'male version' na Thai actor

- Isang tweet ng Thai actor na si Luke Plowden ang nag-viral ngayon sa Pilipinas

- Naka-tag dito si Liza Soberano at sinasabi sa tweet na sang-ayon ang aktor na magka-mukha nga sila

- Matagal na palang kinukumpara ng mga Pinoy fans si Luke kay Liza dahil sa pagkakahawig nila

- Sa ngayon ay hindi pa nagko-komento si Liza sa nasabing tweet ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Trending ngayon si Liza Soberano dahil sa pagpansin ng Thai celebrity na si Luke Plowden sa pagkakahawig nila, ayon rin sa mga sinasabi ng mga netizens.

Liza Soberano trending dahil sa 'male version' na Thai actor
Liza Soberano (Photo credit: @lizasoberano)
Source: Instagram

Nitong Martes, ika-26 ng Enero ay nag-tweet ang nasabing Thai actor ng magkatabing litrato nila ni Liza Soberano. Naka-tag rin ang Filipina actress dito.

Sinabi niya sa kanyang tweet na sumasang-ayon siya sa sinasabi ng kanyang mga Pinoy fans na magkahawig sila ni Liza.

Read also

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

“Hi @lizasoberano, I’ve heard from many Filipino fans that I kinda look like a male version of you, I guess I can see that,”

Agad na nag-viral ang tweet ni Luke. Sa ngayon ay mayroon na itong 9.6k retweets at quote tweets, at mayroon na ring 59k reactions.

Maraming mga fans ang sang-ayon din na magkamukha nga ang dalawang celebrities.

Sa ngayon ay hindi pa nagpapahayag ng komento si Liza sa nasabing viral tweet.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Luke ay ay isang Japanese-American actor at model na naka-base sa Thailand. Ilan sa mga proyekto kung saan ay kasali siya ay ang “Wolf” at “Wake Up Ladies 2: Very Complicated”, kung saan ay pareho siyang gumanap ng mga support roles.

Pero ngayong 2021 ay nakatakdang ipalabas ang dalawang proyekto kung saan siya ay bida, ang “Oh My Boss” at “Mama Gogo”.

Read also

Babaeng inakalang namatay sa COVID, muling nagbalik sa piling ng asawa

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Liza Soberano naman ay isang Filipino-American actress at model dito sa Pilipinas. Isa siya sa mga itinuturing na pinaka-magandang mukha sa industry. Ka-tambal niya ang boyfriend na si Enrique Gil sa kadalasan sa kanyang mga proyekto at kilala sila sa bansag na “LizQuen”.

Ilan sa mga sikat nilang proyekto ang mga seryeng “Dolce Amore”, “Forevermore”, at “Bagani”. Sa kasamaang palad, ang kanilang pinakahuling serye, ang “Make It With You”, ay hindi natapos na dahil sa pandemic at ABS-CBN shutdown.

Si Liza sana ang gaganap na bagong ‘Darna’ ngunit kinailangan niyang umatras sa proyekto dahil sa injury na natamo sa kanyang training sa “Bagani”. Pero nitong huling buwan ay nag-viral ang kanyang training video para sana sa naudlot na proyekto. Ilang araw din ang nakakaraan ay napa-wow ang mga netizens ng mag-train ang aktres sa pagsu-surf sa Siargao.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel